• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahanda na raw posisyon sa 2025 elections: Sen. BONG, nag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan

ALTHOUGH ang TV show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ang pino-promote ni Senator Bong Revilla sa ginawa niyang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar ngayon sa Kamaynilaan ay hindi maiiwasang mag-iişip ang mga tao na may kinalaman sa posisyong tatakbuhan niya sa 2025 elections.

 

 

Usap-usapan kasi sa umpukan ng mga Barangay Chairman dito sa Tondo kung saan kinausap ni Sen. Bong ang mga ito last Saturday. Ayon pa sa isang chairman na nakausap namin ay may pahiwatig na raw ang senador na tatakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na eleksiyon.

 

 

Pero ang tiyak na magbibigay ng malaking panalo kay Sen. Bong kung sakaling totoo ang pagtakbo niya sa mataas na posisyon o manatiling senador muna ay ang panukalang batas niya na pirmado na ngayon ni PBBM.

 

 

Ito ang batas ba kung tawagin ngayon ay ang REVILLA LAW na magbibigay ng karagdagabg benepisyo ng mga senior citizens na may edad 80, 85, 90 at 95 years old. Sa Revilla Law ay ang mga nabanggit na edad ng mga senior citizen at makakatanggap na ng sampung libong piso at pagdating naman na 100 years old ay mabibiyayaan pa rin ng 100 thousand pesos ang mga lola at lolo na aabot sa ganung edad.

 

 

Kaya ngayon pa lang ay aligaga na at panay tanong sa amin ng mga senior citizen kung saan at paano makapag-apply para sa naturang benepisyo.

 

 

 

***

 

 

 

MUKHANG hindi nag-materialize ang kalat na kalat na noon na magsanib-puwersa o bibilhin na ng ABS-CBN ang franchise ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
Ayon sa nakausap naming taga-Dos ay wala naman daw talagang nagaganap na pag-uusap ng mga Villar (namamahala ng AMBS) at ng management ng ABS-CBN.

 

 

Ayon pa rin sa kausap namin ay walang katotohanan daw na nag-aaplay ng isang bagong prangkisa ang Kapamilya network. Pero umiiwas namang magkomento ang kausap namin na ang news department na ng Kapamilya network ang namamahala ngayon ng AMBS kung kaya on going ang recruitment nila ngayon ng mga baguhang news reporter.

 

 

Pero ang isang nakalulungkot na balita ay ang nasagap naming tuluyan nang gigibain ang matatawag ng historical building ng ABS-CBN na nasa Mother Ignacia at isang Rockwell condo mall ang itatayo dito.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Hidilyn Diaz-Naranjo gagawa ng ingay sa World Championships

    PILIT na idadagdag ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang isa pang kasaysayan sa asam na mailap na medalya sa pagbabalik nito sa aktibong kompetisyon sa pagsabak sa 2022 International Weightlifting Federation World Championships sa Bogota, Columbia.   Naunang dumating ang Filipino Olympic champion sa Bogota, Colombia kasama ang asawa at coach na […]

  • Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene

    ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa.   Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city.   Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, […]

  • Ads October 9, 2023