Paghahanda sa PH delegation para sa Winter Olympics, all set na
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
PINAPLANTSA na lamang ang ilang pinal na paghahanda para sa paglahok ng kinatawan ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics sa buwan ng Pebrero.
Kasunod ito ng pagkaka-apruba ng Philippine Sports Commission (PSC) sa P3.3 million na pondo para sa nag-iisang atleta ng bansa sa naturang aktibidad.
Tanging si Filipino-American Alpine Skier Asa Miller ang kakatawan sa Pilipinas sa nabanggit na event.
Pero sasamahan naman siya bilang suporta nina Chef De Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, liaison officer Nikki Cheng, administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach Will Gregorak.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na sasabak si Miller sa Winter Olympics matapos lumahok noong 2018 Games sa South Korea.
-
P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA
NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila. Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong at Marissa Manansala. Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang […]
-
Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments
MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.” Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping. “Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and […]
-
QC binuksan ang mga bagong bike lanes
May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa. Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang […]