PAGHALIK SA ALTAR AT KRUS, HINDI INIREREKOMENDA
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paghalik sa altar at krus sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong panahon ng Holy Week. .
Ang Holy Week ay mula April 10, Linggo hanggang April 16, Sabado.
Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa media forum na ang nasabing virus ay maaaring maisalin sa pamamagitan ng droplet infection na maari namang maipasa sa iba kung hahalik sa isang puon na hinalikan na ng paulit-ulit .
Aniya, ang health department ay pinayuhan at hinimok ang mga simbahan na pansamantalang huwag munang ituloy ang kinaugalian .
“Meron naman po tayong mga iba pang bagay o ano ba ways kung paano tayo makakapag show ng ating devotion sa ating mga santo, sa ating mga pinupuntahang simbahan,” sinabi ni Vergeire.
“Sana po itong practice na ito maiwasan para hindi na tayo magkaroon ng pagtaas ng kaso kung saka-sakali dahil sa practice na ito,” dagdag pa ni Vergeire .
Dagdag pa, hindi hinihikayat ng DOH ang pagpapako sa krus dahil maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa isang indibidwal.
Babala ni Vergeire, ang pagpapako sa krus ay magdudulot ng blood loss, tetanus, at ibang uri ng infections.
“We request and we recommend no, a-advise po natin sa ating mga kababayan, kung maiiwasan naman po, maaari naman po tayo, katulad ng sabi ko, sumamba sa ating Panginoon sa ibang paraan.” (GENE ADSUARA )
-
TOM CRUISE COULD MAKE ANOTHER BILLION-DOLLAR MOVIE WITH ‘MISSION IMPOSSIBLE 7’
With the long-awaited sequel Top Gun: Maverick making over a billion dollars at the box office, the odds are surprisingly high that Mission Impossible – Dead Reckoning Part One could make the actor another billion in 2023. It took a long time for Tom Cruise to make a billion-dollar movie, and Top Gun: Maverick’s historic haul is the culmination of […]
-
Mga Pinoy sa Cambodia ginawang crypto-scammer
IBINUNYAG ni Sen. Risa Hontiveros ang human trafficking sa ilang mga Filipino sa Cambodia para maging scammer ng cryptocurrency. Ito ang panibagong natuklasan ilang buwan lamang matapos na ibulgar din ni Hontiveros sa Senado ang kaparehong modus na bumibiktima sa mga Filipino sa Myanmar. Ayon sa senadora, ang mga Pilipino na […]
-
P1.65-B supplemental budget laban SA COVID-19
LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang P1.65 billion supplemental budget para sa gagawing hakbang sa pagharap sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Sa pagdinig ng komite, natukoy na P3.1 billion ang kakailanganing pondo ng Department of Health (DOH) para panlaban sa COVID-19. Sinabi ni Health Usec. Roger Tong-an, […]