• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol

UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto.

 

 

Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

 

 

Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong “brilliant move.”

 

 

Ayon pa sa kanya, kung mangyari ito ay baka manginig sa takot ang mga cartel at smugglers.

 

 

Liban nito, maging ang hihinihinging budget sa kongreso ay wala na ring haharang pa na “tigasin” dahil presidente na ng Pilipinas ang haharap sa kanila.

 

 

Kung maalala, kamakailan ay inimbestigahan din ng Senado ang isyu sa smuggling sa agrikultura at ang kontrobersiyal na pag-aangkat ng mga produkto kasama na ang isda, bigas, asukal at iba pa mula sa ibang bansa.

 

 

Sinabi pa ni Piñol na dati ring Mindanao Development chief at humawak sa Department of Agriculture sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2019, kung pangulo mismo ang hahawak sa naturang kagawaran ay matitiyak na ang sapat na pondo at tulong para umangat pa ang sektor ng agrikultura.

Other News
  • SBP doble kayod sa paghikayat sa FIBA para maglaro sa Gilas si Clarkson

    Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson.   Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging […]

  • MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

    INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.     Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]

  • 2 illegal na nagbebenta ng wildlife, timbog sa Maritime police

    DALAWANG katao na illegal umanong nagbebenta ng wildlife ang nalambat ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa magkahiwalay na entrapment operation sa Tondo Manila at Quezon City.         Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang entrapment operasyon, kaugnay sa All Hands Full Ahead […]