Paghuli sa pasaway na motorista sa Undas, tigil muna – LTO
- Published on October 28, 2022
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALANG itinigil ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli ng mga pasaway na motorista sa panahon ng Undas.
Ayon kay LTO chief Teofilo Guadiz, wala munang panghuhuli ng mga pasaway na motorista ang LTO operatives sa panahon ng paggunita sa Undas kundi tututukan nila ang pagbibigay assistance sa mga motorista.
Gayunman, sinabi ni Guadiz na kung may mabigat na paglabag sa traffic law ang motorista tulad ng makikitang defective headlights at kalbo ang gulong ng mga sasakyan ay hindi papayagan ng LTO na ang sasakyan na makabiyahe.
Hanggang November 4 nakakalat ang mga operatiba ng LTO sa NCR at mga lalawigan para magbigay ng alalay sa mga motorista kaugnay ng ‘Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022’.
Sa ilalim nito masusing babantayan ng mga elemento ng LTO ang mga aktibidad sa main thoroughfares at transport terminals sa NCR at sa mga lalawigan .
Kahapon may tatlong pampasaherong bus na ininspeksyon ng LTO sa NCR ang hindi pinabiyahe dahil sa ilang violations tulad ng pagkasira ng signal light at walang mga sticker ng PWD, no smoking at seatbelt, hindi nakaparenew ng rehistro, defective reverse light, defective wiper, broken side mirror at broken window glass. (Daris Jose)
-
Saso Athlete of the Year
NAPILI ang sumisibol na pambato ng bansa sa women’s professional golf na si Yuka Saso bilang 2020 Athlete of the Year sa virtual Awards Night ng Philippine Sportswriters Association sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City. Sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 o pandemic, naging inspirasyon ng mga kababayan ang […]
-
Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon. “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]
-
Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2. Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha. Layunin ng […]