Pagkagutom, pinakamataas simula noong 2020
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
MAS maraming pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger nito lamang second quarter ng 2024 kumpara sa nakalipas na quarter.
Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ipinalabas araw ng Martes, Hulyo 23, natuklasan ng SWS na may 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger, pagiging gutom at wala talagang makain, kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Sinabi pa ng SWS na “the figure was 3.4 points above the 14.2 percent in March 2024 and the highest since the record high of 30.7 percent during the Covid-19 lockdowns in September 2020.”
Gaya nitong Marso, natuklasan sa June survey na ang Kalakhang Maynila ang pinakamataas, naapektuhan ang 20% ng pamilya, sinundan ng Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila) na may 19.6%, Mindanao na may 15.7% at Visayas na may 13.7%.
Iniugnay ng SWS ang 3.4-point na pagtaas sa pagkagutom sa pagtaas sa Mindanao (mula 8.7% hanggang 15.7%), Balance Luzon (mula 15.3% hanggang 19.6%), at Metro Manila (mula 19% hanggang 20%), sinamahan ng bahagyang pagbabago sa Visayas ( mula 15% na naging 13.7%).
Sinabi ng SWS na ang 17.6% hunger rate nito lamang Hunyo ay kabuuan ng 12.8% na nakaranas ng “moderate hunger” at 4.9% na nakaranas naman ng “severe hunger.”
Ang “moderate hunger” ay tumutukoy sa mga nakaranas ng pagkagutom “only once” o “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan habang ng “severe hunger” ay tumutukoy naman sa mga nakaranas ng “often” o “always” sa nakalipas na tatlong buwan.
Kumpara nitong buwan ng Marso, ang “moderate hunger” ay hirap na gumalaw mula 12.2% habang ang “severe hunger” ay tumaas ng 2%.
Sa Kalakhang Maynila, ang “moderate hunger” ay bumaba sa 13.3% mula sa 14.3% habang ang “severe hunger” ay tumaas sa 6.7% mula sa 4.7%.
Sa Balance Luzon, tumaas ang “moderate hunger” sa 14.5% mula sa 13.1% habang ang “severe hunger” ay tumaas sa 5.1% mula sa 2.1%
Samantala, sa Visayas, bumaba ang “moderate hunger” sa 10.7% mula sa 13.7% subalit ang “severe hunger” ay tumaas sa 3% mula sa 1.3%
Sa Mindanao, tumaas ang “moderate hunger” sa 10.7% mula sa 8%, at maging ang “severe hunger” sa 5% mula 0.7%
Ang SWS Survey ay isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults na may edad na 18 taon pataas sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Photo na pinost ni Heart, na-feature sa ELLE Australia
ISA sa pinost na photo ni Heart Evangelista-Escudero sa social media ay na-feature sa pages ng ELLE Australia. Suot ni Heart sa naturang photo ay plaid checkered coat dress at bitbit niya ang kanyang hand-painted Hermes bags. Ginamit ang photo para sa article ng ELLE titled “What You Should Wear In 2020, Based […]
-
2 wanted persons, nasilo ng Valenzuela police
DALAWANG wanted persons, kabilang ang isang bebot ang nadakip ng pulisya sa magkahaiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy., Maysan ang presensya ng 57-anyos na mister na akusado dahil sa kasong homicide. Inatasan ni Col. Cayaban ang […]
-
Bukod sa repeat ng ‘Dear Heart: The Concert’ next year: SHARON at GABBY, willing nang magtambal para sa reunion movie
BALIK-DRAMA si Claudine Barretto, with “Lovers/Liars” na isang co-production venture between Regal Entertainment and GMA Network. Inspired ito ng film ni Joey Reyes na “Bayarang Puso” na tungkol sa romance between rich woman and a younger man, na dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach. Ang huling teleserye ni Claudine sa GM,A […]