Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.
““During my tenure as chairman of PSC, we never intervene with POC election and their programs. Kung sino man manalo, we can always work with them. We congratulate the winners,” wika kamakalawaa ni Ramirez, na ninanais ding magkaroon ng magandang samahan ang mga opisyal.
“Then again if we speak of unity, it is a very delicate work, because you cannot have unity without humility. You have to reach out to those people who lost in the election. But it is easier said,” hirit pa ng opisyal.
Kumpiyansa rin si PSC top honcho na magiging maayos ang samahan sa pagitan ng dalawang ahensiya sa sports pati na rin sa mga national sports association (NSA) para sa magiging kampanya ng bansa sa nakatakdang limang mga malalaking paligsahan sa labas ng bansa sa taong 2021.
Una sa mga ito ang 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang ng Hulyo sa susunod na taon dahil sa Covid-19 pandemic sa Tokyo, Japan, at 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam. (REC)
-
PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions
Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan. Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Administrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]
-
Ads October 12, 2024
-
Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern
HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern. Muli niyang hinikayat ang publiko […]