• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakasangkot ng dating PNP chief sa pagtakas ni Guo isa lamang umanong tsismis – CIDG

ITINUTURING  na isa lamang tsismis umano ang impormasyon na isang dating PNP chief ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na tumakas sa bansa.
Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group chief PMGen. Leo Francisco, na kaniyang nakausap si Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Raul Villanueva at sinabing wala itong matibay na ebedensiya.
Una isinawalat ni Villanueva, na bilang retiradong sundalo, sa senado na mayroong dating PNP chief ang tumatanggap din ng payola kay Guo.
Dahil sa pagsisiwalat ni Villanueva ay ititigil na ng PNP ang kanilang imbestigasyon para tukuyin kung sino ang sinasabing dating PNP chief. (Daris Jose)
Other News
  • Opisina ng MIAA ililipat sa dating 88 Airport Lounge sa Pasay

    ILILIPAT ang operasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa dating hotel na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).   Kailangan ilipat ang operasyon ng MIAA dahil gagamitin ng bagong operaytor, ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), ang ngayon ay opisina ng MIAA.   Magakakaroon ang MIAA ng bidding para sa 88 Airport Lounge sa […]

  • SEA Games federation magpupulong muna kung tuluyang kakanselahin ang torneyo

    Magpupulong ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24.     Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine […]

  • Isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa New Year’s Resolution -LTO

    HINIKAYAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa kanilang New Year’s Resolution para sa 2025, kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon at adbokasiya para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada sa bansa. Bago matapos ang 2024 ay binalot ng […]