• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalat ng pekeng partylists ikinaalarma ng mambabatas

IKINAALARMA ni Gabriela Women’s Party List Rep. Arlene Brosas ang pagkalat ng mga pekeng partylists na kakandidato sa Kongreso.

 

Ayon sa mambabatas, taliwas ito sa isinusulong na partylist system na mabigyan ng boses ang marginalized sectors ang mga partylists na pinangungunahan ng mga businessmen, political dynasties, at indibidwal na sangkot sa red-tagging.

 

 

“Nakakabahala ang paglipana ng mga pekeng partylist na ginagamit ng political dynasties, mga negosyante, at mga redtagger para isulong ang kanilang pansariling interes,” giit ni Brosas.

 

Sinabi ni Brosas na dapat na maipatupad ang tunay na representation upang masiguro na ang boses ng mahihirap, kababaihan, manggagawa, at iba pang marginalized sectors ay marinig sa kongreso.

 

 

Nanawagan ito sa publiko na maging mapagbantay at ibasura ang mga pekeng partylists na gumagamit sa laban ng marginalized sector bilang plataporma para sa kanilang personal na interes.

 

“The partylist system was envisioned to provide genuine representation for marginalized sectors in Congress. We call on the public to remain vigilant and support only those partylists that truly represent the interests and aspirations of the marginalized and oppressed sectors. We must ensure that those who genuinely fight for reforms and change for the people have a seat at the table, and not those who are merely using the poor to secure power,” pagtatapos ni Brosas. (Vina de Guzman)

Other News
  • MGA DAYUHAN NA MAY EXEMPTION DOCUMENTS, MAY HANGGANG MAY 31 UPANG MAGAMIT

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa June 1 ay hindi na papayagan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na may ipapakitang entry exemption documents (EED) na inisyu ng Department of Foreign Afffairs (DFA) na may petsa hanggang February 8.     Paliwanag ni Morente na ipapatupad nila ang nasabing travel guidelines […]

  • Bukod kay Liza na nag-convince na mag-concert: ICE, grabe rin ang pasasalamat kay SYLVIA dahil naniwala agad sa vision ng project

    KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.   Isa pa sa labis na pinasasalamatan ni […]

  • Imbestigasyon sa UST tinatapos pa

    INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.   Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]