• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalipas nang dalawang dekada: BEA, dream come true na makatambal muli si DENNIS

DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. 

 

 

After two decades na una silang nagtambal, si Bea raw ang nag-request na si Dennis sana ang susunod niyang makatambal.

 

 

Kaya, official announcement na ng GMA Network sa “24 Oras” last Thursday, January 12, na ang next project ni Bea sa GMA, after ng K-drama adaptation ng “Start-Up PH,” with Asia’s Multimedia Star Alden Richard, ay ang drama anthology titled “Love Before Sunrise,” na isang collaboration ng GMA Network with VIU Philippines.

 

 

Bale second collaboration na ito ng GMA at VIU, mauuna nang ipalabas ang “The Write One” na first ever project naman together nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

 

 

Wala pang announcement kung sinu-sino ang bubuo sa cast at kung sino ang magdidirek ng “Love Before Sunrise.”

 

 

Definitely, tatapusin muna ni Dennis ang taping ng “Maria Clara at Ibarra” na kasalukuyang napapanood ngayon every night sa GMA-7 after ng “24 Oras,” bago siya mag-taping ng bagong project.

 

***

 

 

BY March, 2023, mapapanood na ang “Voltes V Legacy” sa GMA Primetime, at tiyak na ikatutuwa ito ng matagal nang naghihintay, youths and adults, na mahilig sa ganitong mga TV presentations.

 

 

Pero may mga nag-comment din dahil ang tagal-tagal na raw itong ibinabalita, pero hindi pa rin daw ipinalalabas.

 

 

Pero nang magkaroon ito ng showing ng mga teasers last December 31, sa GMA New Year’s countdown, umabot na ito sa milyung-milyong viewers.  Kaya nagpasalamat si Director Mark Reyes sa mga netizens:

 

“We have show now like “Maria Clara at Ibarra,” creating milestones for us.  #VoltesV is something that may not be that successful but, at least, it’s a first necessary step.  If we don’t go out there and face this challenge and this maddening crowd, we’ll never get anywhere, ‘di ba?

 

 

“Here, pinagkagastusan ng network, pinayagan ng Japan, may blessing ng Japan, pinaghirapan namin, hindi namin minadali.  And here we are, we’re working on it for almost four years so give us a chance to see what we’ve done.

 

 

“So hopefully, it’s not only the Philippines that’s the market of this, but globally.  We market this to the world na wow, proudly 100 percent Filipino made.”

 

 

Dagdag pa ng GMA Network, “Alam nyo ba na ang CGI ng #VoltesVLegacy, 100% gawang Pinoy?  Nakakabilib, di ba?

 

***

 

 

NAPAKASWERTE naman ni Kapuso actress Faith da Silva.

 

 

Sa loob ng isang araw, tatlong beses siyang napapanood ng mga netizens, sa tatlong GMA shows, kaya labis-labis naman ang pasasalamat niya.

 

 

Pumasok na siya muli bilang co-host sa morning variety show na “TikToClock” with Pokwang, Rabiya Mateo and Kuya Kim, from 11:15am to 12noon.

 

 

Isa rin si Faith sa mga co-hosts ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” from 12nn to 2:30pm.  Then at 3:25 pm, napapanood naman siya sa afternoon prime series na “Unica Hija” with Kate Valdes.

 

 

Kaya happy ang mga kapwa Kapuso niya sa blessings na dumarating sa kanya.

 

 

Kaya nagpasalamat naman si Faith: “Happy to be back on @tiktoclockgma,  Thank you @gmanetwork for this opportunity.  Akalain nyo yun? I’m officially a host, mapapanood ninyo ako mula Lunes hanggang Biyernes.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • P9-B natirang Bayanihan 2 fund, ‘di na magagamit

    Tuluyan nang hindi magagamit ang umaabot sa P9 billion na pondong nakalaan sana sa pagtugon ng pamahalaan laban sa epekto ng COVID-19.     Bagama’t hindi ito tuluyang masasayang, obligado naman ang gobyerno na ibalik ang naturang salapi sa national treasury.     Una nang iminungkahi ng ilang opisyal na palawigin na lang sana ang […]

  • 600K na deactivated voters, nagpa-reactivate

    MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.     Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung […]

  • Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital

    NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital.     Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment.     Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, […]