• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan

Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).

 

Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang NBI ng malalang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga high profile inmates.

 

Base sa DO 179 na pirmado ni Justice Sec. Menardo Guevarra, binigyan lamang niya ang NBI ng 10 araw para imbestigahan ang kontrobersiyal na isyu.

 

Inatasan din niya si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsumite ng progress report sa tanggapan mismo ng justice secretary kapag natapos na ang isinasagawang imbestigasyon.

 

Kapag nakitaan daw ng sapat na ebidensiya kung meron man ay kailangang sampahan ng NBI ng karampatang kaso ang mga sangkot sa insidente.

 

Kahapon nang magtungo si Bantag sa DoJ mtapos siyang ipatawag ni Guevarra dahil sa pagkamatay ng mga high profile inmates na kinabibilangan ni Jaybee Sebastian na tumestigo noon laban kay Sen. Leila de Lima dahil sa paglaganao daw ng iligal na droga sa loob ng pambansang piitan.

 

Sinabi naman ni Guevarra na na sumentro ang pagpupuong nila ni Bantag sa sitwasyon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa BuCor.

 

Kabilang na raw dito ang pagkamatay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na humaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.

 

Ayon daw kay Bantag, 21 na PDLs ang kumpirmadong namatay dahil sa coronavirus mula noong buwan ng Marso.

 

Siniguro naman daw ni Bantag na under control na ang health situation sa BuCor.

 

Sa ngayon, nasa limang PDLs na lamang daw ang nasa isolation facility ng NBP o mas kilalang Site Harry.

 

Ang Site Harry ang pinakamalaking quarantine at isolation facility sa BuCor na mayroong 300 bed capacity.

 

Ipinarating din umano ni Bantag na ang sinusunod nilang protocol ay ang mandatory cremation ng mga bangkay sa loob ng 12 oras para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

 

Kaya naman agad daw isinailaim sa cremation ang bangkay ni Sebastian 12 oras matapos itong mamatay. (Daris Jose)

Other News
  • PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

    Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.     Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]

  • May paliwanag si Sen. Jinggoy tungkol sa isyu: KAREN, nagpaalala sa lawmakers na itigil ang ‘victim-blaming’

    NAKATANGGAP nga kritisismo at pamba-bash si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging “harsh” daw nito kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa Senate hearing.       Kaya ikinatuwa ng netizens na hindi agree kay Sen. Jinggoy sa ginawang pagpapaalala ni Karen Davila, na hindi sila ‘gods’ at dapat itigil ang ‘victim-blaming’.       […]

  • JOHN LLOYD, wish ng netizens na i-partner kay JENNYLYN at MARIAN ‘pag naging Kapuso na

    MUKHANG wala nang makapipigil pa kay John Lloyd Cruz sa pagiging Kapuso.     Sa post ng @kapusoprgirl noong Lunes, June 14 nakitang kasama ni John Lloyd ang GMA-7 Films president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.     Naganap nga ang muling pagkikita at pag-uusap after a week mula […]