Pagkamatay ng PNPA cadet, pina-iimbestigahan ni PNP chief
- Published on July 13, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni PNPA 4CL Kenneth Ross Alvarado.
Si Alvarado ay nasawi noong July 8,2020 dahil sa heat stroke.
Batay sa imbestigasyon ng PNPA, nakikilahok sa evening mess formation ang kadete nang mag-collapse ito.
Kaagad naman siyang nadala sa Academy Health Service at inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kung saan siya binawian ng buhay dakong alas-9:56 ng gabi.
Siniguro naman ni PNPA Director PMGen. Jose Chiquito Malayo na magpapatupad sila ng karagdagang hakbang para hindi na maulit ang pangyayari.
Kabilang dito ang mandatory na pag-inom ng mga kadete ng hindi bababa sa sampung baso ng tubig kada araw at pagkakaroon ng bandolier na may dalawang baso ng tubig bilang bahagi ng kanilang uniporme.
Bukod dito, isasagawa rin ang ilang drills sa malilim na lugar at hahatiin sa dalawang bahagi at tatlong rounds ang progressive exercises ng mga kadete.
Ang PNPA class of 2024 ay mayroong 306 na kadete kung saan 254 dito ang lalaki, habang 52 ang babaeng kadete. (Ara Romero)
-
BABAE, TINARAKAN NG PALABOY
SUGATAN ang isang 33-anyos na babae matapos na saksakin ng isang babaeng palaboy na kanyang nakaalitan sa harap ng LA Cafe sa may M.H Del Pilar Street, corner Salas Street, Ermita, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police Disteict (MPD)-Bocobo Police Community Precint ,ang biktima ay nakilalang si Annie Marcus,33 ng 2341-B, Dama De Noche […]
-
P160K subsidy para sa modern jeepneys kinasa ng DOTr
Tinaasan ng Department of Transportation (DOTr) ang subsidy para sa modern jeepneys upang ma-engganyo ang mga drivers at operators na palitan ang kanilang mga lumang public utility jeepneys mula sa dating P80,000 na ngayon ay P160,000 na. Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang isang amendment ng provision ng Department Order No. 2018-16 na […]
-
Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour
Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour. Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic. Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]