• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkapanalo ng 433 bettors paiimbestigahan sa Senado

PAIIMBESTIGAHAN ni Senator Koko Pimentel ang umano’y “suspicious and unsual” na pagkakapanalo ng 433 katao sa Grand Lotto na binola nitong Sabado ng gabi.

 

 

Sinabi ni Pimentel sa panayam sa DzBB, na nakakapagtaka ang winning combination numbers na divisible by 9 na maaaring aksidente lamang, subalit ang 433 ang mananalo ay dapat ang tsansa na manalo ay ‘1 in many billions”.

 

 

Giit ni Pimentel, na­ngangahulugan umano ito na mahirap itong tamaan kaya kaduda-duda na mayroong 433 ang tumama dito.

 

 

Dahil dito, maghahain umano ng resolusyon si Pimentel para imbestiga­han ang nasabing insidente at matanong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung may lucky pick ang naturang mga nanalo.

 

 

Nangangahulugan din umano ito na system ge­nerated ang number ng tumaya, kaya walang random ang kanilang lucky pick at nangangahulugan din ito na ibinigay nila ito sa 400 katao.

 

 

Ayon pa kay Pimentel, matagal na niyang napansin ang draw nila sa isang 6 digit na may 10 winners, na para sa kanya ang 2 winners ay bihira na kaya nakakapagtaka umano.

 

 

Sa pananaw pa umano ng Senador, katulad ng mga sugal sa casino maging ang POGO at lotto games na nasa Pilipinas ay dapat may integridad din ang PCSO at matanong ng mga tanong ng normal na tao.

 

 

Dagdag pa ni Pimentel na kailangan din umanong mag-imbita ng statisticians at professors upang hingin ang kanilang opinyon sa naturang usapin dahil marami ang nagtataka sa pagkapanalo ng may 433 katao.

 

 

“To get the 6 winning digits out of 55, that’s 1 out of 28,989,675 or 0.000003%,” ayon naman kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido.

 

 

“Grabe ‘di ba, tapos 433 ang nakakuha,” aniya pa. (Daris Jose)

Other News
  • Tanong niya, “Lord what I have done to deserve this kind of love’: MAINE, ginawang ‘prinsesa’ ni ARJO sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga

    LAST Sunday, August 28, after one month ng kanilang pinag-usapang engagement, sabay na nag-post ng isang nakaka-touch na video sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kani-kanilang Instagram account.   Nilagyan nila ito ng caption na, Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling. 💍”     Mapapanood nga […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]

  • Alert level 3 sa NCR mananatili kung mababa sa 70% ang healthcare utilization

    IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo.     Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa […]