• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado

INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas.

 

Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr. ay kinikilala ang Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines” dahil sa pagiging pinakamalaking pinanggagalingan ng abaca na bihira lamang na makukuha sa bansa, at nagsu-suplay ng mataas na kalidad ng natural na hibla sa buong mundo.

 

Sinabi ni Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) Executive Director Dr. Liza Battad PhD na ang panukala ay magbibigay ng suporta at pagtuon sa pagsisikap ng Department of Agriculture (DA), lalo na ang Phlippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), sa paglalagay ng istratehiyang plano upang paunlarin at suportahan ang mga nasa larangan ng industriya ng abaca.

 

Inaprubahan din ng komite ang HB 7460 na iniakda ni Abono Party-list Rep. at Deputy Speaker Conrado Estrella III na nagdedeklara sa Lungsod ng Davao bilang Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines.

 

Ang Davao Cacao ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa buong mundo at ang mga lokal na uri nito ay nakikipagpaligsahan sa mga pandaigdigang kompetisyon, bukod pa sa maraming lokal at pandaigdigang tagagawa ng tsokolate ay binibili ang kanilang mga buto sa Davao.

 

Aprubado din sa komite ang HB 7660 o ang panukalang “Egg Basket Act” na inihain ni Batangas Rep. Lianda Bolilia na nagsabing ang San Jose, Batangas ay nakakapag-suplay ng 705 metriko tonelada ng itlog ng manok kada araw na dahilan upang maging pinakanangungunang bayan sa bansa sa produksyon ng itlog ng manok. (Ara Romero)

Other News
  • Dahil gabi-gabi na mataas ang ratings: Romantic-drama series nina GABBY at SANYA, may nagri-request na i-extend

    FINALE episode na this Friday, February 25, ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, a co-production venture ng GMA Network at Regal Films Entertainment.     Kaya nagbahagi ang isa sa lead stars ng serye, si Barbie Forteza, na mami-miss daw niya ang lahat, mula sa story ng serye, hanggang  sa lahat ng involved sa production. […]

  • Seguridad sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates, maaasahan – PNP

    TINIYAK  ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng standard security package ang mga kandidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period, February 8, 2022.     Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang […]

  • P5.768 trilyong 2024 budget nakatuon para paangatin buhay ng Pinoy – Romualdez

    ISA UMANONG maha­lagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024.     Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagta-trabaho ng Senado at Kamara na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang […]