• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day

MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning.

 

 

Nakuha ngang magpakilig ang isa sa kinilalang TV heartthrob at matinee idol dahil matapos niyang mag-enroll ay nagsimula siyang maglibot sa campus para mamigay ng red roses sa mga kababaihan na kilabibilangan ng mga kapwa estudyante, ilang guro at staff din ng UP.

 

 

Ayon sa Instagram reel post ni Konsi Alfred may caption ito na, “Met so many lovely people in UP Diliman during enrollment… So I thought of giving them roses for V-day Happy V-day, everyone!”

 

 

“BTW, I got my form 5 na! Thank you, UP!”

 

 

Ayon pa sa paniniwala ni Alfred na makakasama sina Nora Aunor at Gina Alajar sa ‘Pieta’, hindi lang dapat sa Araw ng mga Puso dapat ipinapakita ang ating pagmamahal sa mga babae sa buhay natin. Dahil araw-araw ay deserve ng ating mga nanay, asawa, kapatid, kaklase, iniirog na makatanggap ng ating appreciation, kahit sa mumunting paraan, tulad ng pagbibigay ng bulaklak o ano mang regalo na magpapasaya sa kanila.

 

 

Kaya naman ‘di naitago ang pagkakilig at pagkagulat sa ginawang pambubulaga at sweet gesture ni Konsi Alfred. Na ang Ilan at ‘di pinalampas na nagpakuha ng picture o magpa-selfie sa guwapong aktor at pulitiko.

 

 

Mayroon na ngang Master’s Degree in Public Administration si Alfred mula sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance at nasa plano niya ang mag-PhD sa Urban Planning.
Pangako rin niya ito sa kanyang yumaong ina na si Atty. Susana “Ching” Dumlao Vargas. Sa minamahal niyang ina natutunan ang pagpupursige sa pag-aaral at ang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng serbisyon publiko.

 

 

Pagbabahagi pa ni Alfred, “Yes, after finishing my masters in public ad in UPNCPAG in 2021, I took the entrance exam of the college last year naman (2022). I passed it, and I am now pursuing my PhD in UPSURP (UP School of Urban and Regional Planning)to become an urban planner.

 

“It’s a long journey which will probably take me 4-5 years coz I’ll first have to get my urban planning diploma for the first two years, then masters for urban planning for another year, then my PhD for another 1-2 years, depending on my schedule.

 

“I love being a student again. I get a lot of insights and wisdom from my profs and classmates which I can apply as public servant. Learning is an everyday process. It should never end. I think I’ll continue to study, study, and study until I’m a senior citizen!

 

“I finished AB Management Economics in Ateneo de Manila as my undergrad. Then finished my MPA in UPNCPAG. And I will do everything I can to get that PhD from UPSURP in the next few years.

 

“I feel so lucky to have had the chance to study in two of the best universities in our country.”

 

Active na active nga si Councilor Vargas sa social media na kung saan umabot na sa 500K followers niya sa TikTok para maabot ang kanyang constituents at makapagbigay tulong at impormasyon, ginagamit rin ni Alfred ang social media para makapagpasaya ng publiko.

 

***

 

 

NAGBIGAY nga ng statement ang Movie and Television and Classifcation Board regarding sa pelikulang ‘Plane’.

 

 

Ayon kay Chair Dionella Maria G. Sotto-Antonio:

 

 

“We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, “Plane.” Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re- evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 29) Story by Geraldine Monzon

    HINDI makapaniwala si Andrea na mabibigo siyang makita si Janine sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi niya maihakbang ang mga paa patungo sa loob ng chapel kung saan nakalagak ang labi ng kaibigan. Hinayaan na lang niya na itago ng mga patak ng ulan ang kanyang mga luha.   Sa gitna ng hindi niya mapigilang pag-iyak ay […]

  • Peso naitala ang bagong all-time low vs US dollar – BSP

    NASA ikatlong araw na trading day na sunud-sunod na sumadsad sa pinakamababang halaga ang piso laban sa dolyar.     Sinasabing nalugi sa 22.9 centavos ang piso mula noong Biyernes laban sa dolyar.     Ang paghina lalo ng piso ay kasunod umano ng mga pahayag ng mga opisyal ng Federal Reserve sa Amerika na […]