• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal

KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.

 

Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang isang applicant, pagkatapos makakuha ng student’s permit additional na 8-hours practical driving sa supervision ng LTO personnel.

 

Sa bagong program ng LTO – ang vision nito ay mabigyan lamang ng driver’s license ‘yung mga karapat-dapat at sagot na rin ito upang maalis na, o kung hindi man ay mabawasan man lang ang mga road accidents.

 

Sa report na nakuha natin at ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), bukod 15-hour theoretical driving lesson at additional 8-hour practical driving, mga nasa libo rin ang halaga ng enrollment na ibabayad sa mga accredited driving schools ng LTO.

 

Ang tanong ngayon sa rami kada araw ang kumukuha ng driver’s license sa LTO sa buong bansa, maging ang mga kababayan nating mga OFW na rin, sapat kaya ang mga accredited driving school?

 

Ang sinasabi ko, bilang pinuno ng LCSP, matagal nang isinulong ng grupo ang mas comprehensive, bukod pa ay libre, isama na sa primary at secondary school ang pag-aaral ng road safety pati na ang Republic Act 4136 ang batas at mga rules and regulations sa traffic at land transportation ng bansa.

 

Nariyan din ang TESDA na siyang authorized agency ng gobyerno at recognized din worldwide na magturo ng mga tamang batas sa road safety at ng mga rules and regulations sa traffic.

 

Iginigiit ko lang na tingnan natin ang practice sa mga world class countries na isinasama sa mga school curriculum sa primary at secondary education, upang maipamulat agad sa murang edad ng mga bata, ang importance ng road safety upang maiwasan ang mga aksidente at para laging isaisip ang safety sa lahat ng oras lalo na sa kalsada.
Sa experienced at records tiyak na tiyak ang advantage ng TESDA sa kasanayan sa theoretical man o practical driving kaysa sa mga sinasabing mga accredited driving school.

 

Eh ang alam namin itong mga instructors ng mga accredited driving school ay pasado at may mga certification issued ng TESDA bilang patunay ng kasanayan ng mga driving instructors.

 

Nagtatanong ang ating mga kababayan ano ang mas dapat ang mga expensive accreditation ng mga driving school ng LTO o ang authorized government’s agency (TESDA)? (LASACMAR)

Other News
  • Joel Embiid nagpakita ng MVP caliber na performance

    SINAPAWAN ni Joel Embiid si Nikola Jokic sa tapatan ng MVP candidates sa Philadelphia nitong Sabado.   Nagtistis si Embiid ng 47 points, 18 rebounds para ihatid ang 76ers sa 126-119 panalo laban sa Denver Nuggets sa Wells Fargo Center.   Sa huling dalawang seasons, 1-2 sina Jokic at Embiid sa botohan para sa MVP. […]

  • SSS, muling inilunsad ang pension boosters

    MAAARING mag-invest ang mga miyembro ng Social Security System sa kanilang pension fund dahil muling inilunsad ng SSS ang kanilang Pension Booster program.       Kilala noon bilang Workers and Investment Savings Program o WISP at WISP Plus, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Macasaet na hinihikayat nila ang mga professionals at middle […]

  • PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque

    HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa usapin ng  term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte  ang una nang naging  arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]