• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkuha o pagbili ng Covid-19 vaccine ng Pilipinas mas mapapabilis

MAS  mgiging madali na para sa bansa ang pumili at bumili ng Covid-19 vaccine.

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraan niyang italaga si Finance Sec. Carlos Dominguez na maging katuwang ni Sec. Carlito Galvez sa pangangasiwa ng bibilhing bakuna sa ibang bansa.

 

Ang paliwanag ng Chief Executive, mahalaga rin ang gagampanang papel ni Sec. Dominguez sa pagbili ng bakuna ng bansa dahil nangangailangan aniya ito ng Budget allocation.

 

Sinabi ng Pangulo na kaya niya itinalaga si Sec. Dominguez na maging katuwang ni Sec. Galvez ay upang matiyak na mayroong sapat na pondo ang gobyerno para bumili ng de-kalidad at epektibong bakuna laban sa Covid-19.

 

Samantala, muli namang sinabi ni Pang. Duterte na mayroon nang nadiskubreng bakuna at nabigyan na aniya siya ng opsyon kung paano makakakuha nito ang Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 10, 2023

  • 2 days bago matapos ang ‘GCQ with restrictions:’ Higit 7,300 bagong COVID case – DOH

    Mula sa 8,027 kasabay ng 123rd Independence Day kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo ng bahagyang mababa sa 7,302 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID).     Mayroon namang 7,701 na gumaling habang 137 ang pumanaw.     Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% […]

  • Dating pulis Maynila patay sa pananambang, misis sugatan

    NASAWI ang isang dating pulis Maynila habang sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek habang magkaangas sa motprsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.   Kinilala ang biktima na si Police Sgt Dranreb De Castro , 47, ng 407 Lallana St. sakop ng Brgy 93 Dist. 1 Tondo Maynila at dating […]