• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna

PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon.

 

 

Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na magpatupad muna ng moratorium sa pagkum­piska ng driver’s license sa NCR.

 

 

Ang moratorium ay magiging epektibo hangga’t binubuo pa ng 17 local government units (LGUs) sa NCR, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) ang mga guidelines para sa interconnectivity program na gagamitin sa single ticketing system.

 

 

“Humingi ako ng tulong sa mga kasama sa MMDA at sa mga ma­yors, baka naman habang pinag-uusapan, na mag-moratorium, walang kumpiskahan ng lisensya habang binubuo ang interconnectivity program, at ako pinayagan nila,” ayon kay Abalos, sa press briefing na ginanap sa bagong headquarters ng MMDA sa Pasig City kahapon.

 

 

Ani Abalos, na nagsilbi rin bilang chairman ng MMDA noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga city at municipal councils sa Metro Manila ay magpapasa ng mga ordinansa na nagmamandato sa suspensiyon sa pagkumpiska ng driver’s license sa mga susunod na araw.

Other News
  • “Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.”   […]

  • Desisyon ni Marcos na laktawan ang presidential debates, tama- PDU30

    TAMA lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  na  mag-skip o laktawan ang  presidential debates  sa panahon ng campaign period.     Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot.     “During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that […]

  • Maraming mga Filipino adults mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa pag-ibig – SWS survey

    MARAMING mga adult Filipino ang mas pipiliin pa ang kalusugan kaysa sa pag-ibig o pera.     Ito ang naging resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station kung saan 57 percent sa mga dito ang pumili ng kalusugan, 31 percent ang pumili ng pag-ibig habang 11 percent lamang ang namili ng pera.   […]