• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglaban sa pandemyang bitbit ng Covid-19 at paano makababawi mula rito, bibigyang diin ni PDu30

BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pananaw nito sa pagsisikap na labanan ang coronavirus pandemic at kung paano makakabawi mula rito sa idinaos na virtual international conference kahapon Biyernes, Mayo 21.

 

Ang Pangulo ay nagbigay ng kanyang talumpati sa 26th International Conference on the Future of Asia, o mas kilala bilang Nikkei conference, na i-streamed live mula Tokyo, Japan.

 

Ang komperensiya ngayong taon na inorganisa ng Japanese media giant Nikkei Inc., ay naglalayong pagsamahin ang iba’t ibang political, economic at academic leaders mula Asya para talakayin ang gampanin ng rehiyon sa global recovery mula sa pandemiya.

 

“In his address, the President will advance Philippine views and positions on the ongoing global fight against the COVID-19 pandemic and what needs to be done to achieve full recovery. This is in line with the theme ‘Shaping the Post- COVID Era: Asia’s Role in the Global Recovery,’” ang nakasaad sa kalatas ng Malakanyang.

 

“This is the President’s second time to address the Nikkei Conference, one of Asia’s top foreign policy and economic fora,” dagdag nito.

 

Makakasama naman ng Pangulo ang iba pang lider mula sa Japan, Cambodia, Laos, Malaysia, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam, at maging ang mga pinuno ng international organizations na nakapila bilang mga tagapagsalita.

 

Ang Pangulo sa kanyang kamakailan lamang na virtual international assemblies, ay nanawagan ng “equal access” sa coronavirus vaccines upang iligtas ang buhay sa gitna ng pandemiya.

 

Pinanindigan naman nito na ang “no was safe until everyone was safe.” (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay

    ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia […]

  • Ads March 3, 2020

  • Operasyon ng provincial buses, mas lalawak pa sa loob ng linggong ito

    SINABI ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial buses sa loob ng linggong ito.   Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumabyahe patungo sa mga lalawigan.   Kabilang sa kanilang nakatakdang mabuksan ay ang provincial […]