Paglabas ng mga bata, suspendihin – Metro Manila
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nais ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanganib na Delta variant.
Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), na inirekomenda na nila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawiin muna ang resolusyon na nagpapalabas na sa mga bata .
“Kahapon nagkaroon kami ng consensus ng mga mayors sa Metro Manila, lahat ng mga LGU ng National Capital Region na i-defer muna itong pagpapatupad ng 5-years old to 17 years old na papayagang lumabas ng kanilang tahanan,” ayon kay Olivarez.
“Ang recommendation ng ating Metro Manila Council, totally bawal muna po dahil nga po itong binabantayang Delta variant na alam naman po natin more contagious at transmissible,” dagdag niya. Sang-ayon naman dito si Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, na nagsabi na sa kabila na mababa ang kaso ng COVID-19 sa mga bata, wala pa ring ‘exemption’ sa edad kung mahahawa ng Delta variant.
Samantala, umaasa pa rin si Olivarez na maaabot ng Metro Manila ang ‘population protection’ sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Olivarez, gumaganda na ngayon ang usad ng ‘vaccination program’ ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagdating ng mga bagong suplay ng bakuna.
Target umano ng lahat ng alkalde na maabot ang ‘population protection’ sa Nobyembre para naman magkaroon na ng maayos at mas masayang Pasko ang mga mamamayan.
Ngunit lahat ng ito ay magdi-depende pa rin umano sa pagdating ng mas marami at tuluy-tuloy na suplay ng bakuna. (Daris Jose)
-
3 tulak arestado sa P.7 milyon halaga ng shabu
TIMBOG ang tatlong umano’y notoryus drug pushers matapos makuhanan ng nasa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Paul John Mendoza, 23, Ian Vher Oquendo, 28, kapwa ng Block […]
-
Para maging Army reservist din: MATTEO, ini-engganyo si RURU na sumabak sa 45 days training
INE-ENGGANYO pala ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na sumabak sa training para maging army reservist ding kagaya nito. Magkakasama sina Matteo at Ruru sa upcoming action series ng GMA-7 na “Black Rider” at nag-enjoy siyang katrabaho ang mister ni Sarah Geronimo. “Opo, […]
-
BATAS SA GAME FIXING, INIHAIN SA KAMARA
MALALIM na usapin ang game-fixing, ngunit walang pangil ang batas para maabatan ang isyu. Nagkakaisa ang Mababang Kapulungan na napapanahon na para mapagtibay ang batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga opisyal, coach, player at sinumang sangkot sa game-fixing. Ito ang nilalaman ng dalawang bill sa Kongreso na sisimulang talakayin sa House Committee on […]