Paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking, “not a govt failure”- Malakanyang
- Published on January 31, 2022
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbagsak ng Pilipinas sa ranking sa Transparency International’s 2021 corruption perception index ay dahil sa may pagkukulang o pagkabigo ng gobyerno.
Sinabi ni Nograles na ang bansa ay naka-iskor sa ibang indicators sa nasabing usapin.
“We have the Open Budget Survey, mataas ranking natin doon,” anito.
Aniya, titingnan ng pamahalaan ang parametro na kinonsidera sa Transparency International ranking na kailangan ng bansa para mapahusay ito.
“What we have to do na lang is to look at this particular indicator, dissect it into its elements, and see kung ano ang mga areas na,” aniya pa rin.
Sa ulat, ang Pilipinas ay bumagsak sa 117th mula sa 115th place kung saan kabilang ang 180 bansa sa 2021 corruption perception index na may score na 33 mula sa 100.
Sinabi ng Transparency International na ang score ng Pilipinas ay “is the perceived level of public sector corruption on a scale of 0-100, where zero meant highly corrupt and 100 meant honest.” (Daris Jose)
-
South Korea dedesisyunan ng FIBA
DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers. Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum. “FIBA was informed by […]
-
Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN
NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan. Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN […]
-
Ads January 13, 2021