• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglahok ni Hidilyn sa national open sa Bohol, exhibition lamang – SWP

BABANDERA  ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol.

 

 

Sa interview kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn.

 

 

Kabilang kasi sa hangad ni Hidilyn ay magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga atleta na kaya rin nilang umabot ng Olympics tulad ng kanyang panalo noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang maraming mga atleta na tumungo sa kompetisyon ngayon ay nag-aambisyon na madiskubre at mapasama sa mga international tournaments kabilang na ang gaganaping Phnom Penh Southeast Asian Games at sa gaganaping Hangzou Asian Games sa susunod na taon.

Other News
  • Mister ng ika-4 na Omicron case sa ‘Pinas may COVID, ‘di pa tiyak ang variant

    Nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ng ikaapat na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant na natagpuan sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH).     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lalaki ay isang 37-anyos na Pilipino. Gayunpaman, titiyakin pa lang kung may kinatatakutang Omicron variant din siya gaya ng 38-anyos niyang […]

  • ‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC

    NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa.     Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local […]

  • Base sa kanilang Instagram post: BOY, tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa GMA Network

    KAABANG-ABANG ang tinutukoy sa Instagram post ng GMA Network kahapon, Disyembre 7. Caption sa post, “Handa na BA ang lahat sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ icon? “Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!” Matagal nang lumabas ang pagbabalik-Kapuso ni King of Talk Boy Abunda at mukhang tuloy na tuloy na nga ito. May pahayag din […]