• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez

SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.

 

 

Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per kilo para sa pulang sibuyas at P140 per kilo naman para sa puting sibuyas.

 

 

Tiniyak pa ng ahensiya na papatawan ng kaukulang kaso ang sinumang mabibigong sumunod sa kautusang ito ng ahensiya.

 

 

Ayon kay Romualdez, sa pagpapatupad ng SRP para sa sibuyas ay tiyak na mapoprotektahan nito ang mga mamimili laban sa mga di makatarungang pagtataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Kasabay na rin sa pagpapatupad ng SRP, sinabi ng speaker na dapat siguruhing maisasaalang alang ang interes ng mga stakeholders gaya ng mga traders, market vendors, partikular na ang mga onion farmers ng bansa.

 

 

Naniniwala pa si Romualdez na hindi lamang pagpapatupad ng SRP ang solusyon sa problema sa price fluctuations ng sibuyas kundi masawata ang malawakang onion cartel sa bansa.

 

 

Una nito, umapela ang speaker sa National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at DA na magtulungan para makakuha ng matibay na ebidensiya at makasuhan ang mga kartel.

 

 

“Putting members of this cartel behind bars will send the unmistakable message that the government will not tolerate any unfair trade practices that prey on the hapless consumer and farmers,” dagdag ni Romualdez.

 

 

Nanawagan din ito ng tulong mula sa kaukulang gobyerno para sa mga magsasaka lalo na yaong nagtatanim ng sibuyas upang ma-engganyo ang mga ito na magdagdag sa produksyon para masiguro ang sapat na suplay.

 

 

Halimbawa aniya, ang pagbibigay tulong ng DA na pataba at pagtatayo ng karagdagang mga cold storage facilities.

 

 

Matatandaan na umabot pa sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong Disyembre ng nakaraang taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Panawagan ni PBBM sa sambayanang Filipino: ‘Solemn, peaceful’ na paggunita sa Undas

    NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang filipino para sa “mataimtim at mapayapa” na paggunita ngayong  All Saints’ Day, Nobyembre 1 at All Souls’ Day, Nobyembre 2.  “Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang  vlog  na naka-upload sa kanyang official Facebook page. Ang paalala pa rin ng […]

  • PDu30, ikakampanya ang mga PDP-Laban bets sa Cebu

    SA KABILA nang hindi pa inaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipisil niya bilang kanyang successor, sasama ang Chief Executive sa mga kandidato ng ruling PDP-Laban party sa serye ng campaign sorties, simula  Marso 31.     “That will be the first public appearance of PRRD to endorse the candidacy of PDP-Laban,” ayon kay […]

  • Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte

    Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon.     Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31.     Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na […]