• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA

SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa.

 

 

Sinabi ni  BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na nabakunahan  para bigyan daan ang muling pagbubukas ng tourist destination para sa mga mananakay kung sa tingin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay makakabuhay sa turismo.

 

 

“If approved by the IATF, we in the Bureau support this initiative by the Department of Tourism (DOT) as it will not only resuscitate our tourism industry.  It will also generate employment for millions of Filipinos who lospt their jobs due to the pandemic,” ayon kay Morente

 

 

Ayon pa kay Morente na naniniwala siya sa kaalaman ng IATF kung kalian ang tamang panahon na buksan na ang hangganan ng bansa.

 

 

Dagdag pa nito na bukod sa tourism at  travel industry,  ang pagbubukas ng hangganan sa mga dayuhang mananakay ay ang pagbabalik din ng commercial aviation at shipping industiries kung saan malalang naapektuhan nitong pandemic.

 

 

 

“Once these ‘green lanes’ are set up, operations in our international airports and seaports hopefully will begin to return to normal,” ayon kay Morente.

 

 

Matatandaan na hiniling ni  Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat sa IATF na payagan ang paglalagay ng “green lanes” para matulungan ang mga nagtratrabaho sa turismo at maibalik din ang industriya ng turismo.

 

 

Ayon pa kay Puyat ang panukala ay papayagan ang mga dayuhang mananakay na bumisita sa bansa upang maglibang habang maluwag ang quarantine sa bansa  habang gumagawa ng paraan ng gobiyerno para mabakunahan ang lahat. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nagmistulang fan si Andrea at natupad ang wish: BEA, puring-puri ni DENNIS at iba pang co-stars sa serye

    IBANG klase rin ang pagtingin ng mga Kapuso sa New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo.   Talagang todo max ang pagpuri kay Bea ng kanyang mga co-stars sa bagong GMA Primetime series na “Love Before Sunrise.”   Si Andrea Torres ay nagmistulang fan na fan ni Bea na aminadong nang malaman na Kapuso […]

  • 3 laglag sa P75K droga sa Caloocan

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P75,000 halaga ng shabu sa Caloocan City.           Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng […]

  • Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang

    TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance.     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households.     Siniguro ni Andanar, may available ng […]