• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilinaw ni PBBM: Pakikipagpulong kay Blinken, hindi sinadya para manalo sa labanan sa West Philippine Sea

NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay United States Secretary of State Antony Blinken at panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang magwagi sa labanan sa rehiyon.
Sinabi ito ng Pangulo bago pa ang nakatakdang pagbisita ni Blinken sa Maynila sa darating na Martes, Marso 19.
Winika ng Pangulo na ang lahat ng nagpapatuloy na pag-uusap ay naglalayon na panatihilin ang kapayapaan sa WPS.
“It is really an ongoing process and that all of these discussions are really, as far as the Philippines is concerned, it is concerned with the maintenance of peace and South China Sea,” ayon sa Pangulo.
“With an eye not to winning any kind of conflict but really just to maintain the peace and to continue to defend sovereignty and sovereign rights of the Philippines when it comes to these international differences,” aniya pa rin.
Muli namang inulit ng Chief Executive na mahalaga ang usapin ukol sa South China Sea lalo pa’t mayorya ng kalakal sa buong mundo ay dumadaan dito.
“A safe navigation and passage of the South China Sea is important to international trade, as goes to 60 percent of international trade goes through that channel and we hope to continue these discussions,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
Nauna rito, kinumpirma ni Pangulong Marcos na may nakatakda siyang pagpupulong sa darating na Martes, Marso 19 kay US Secretary of State Anthony Blinken sa Manila.
Sa press conference sa Berlin, Germany, sinabi ni Pangulong Marcos na pag-uusapan nila ni Blinken ang security at cooperation matters.
“Well, of course, we hope the intention is to continue to plan, to strengthen the cooperation between the three countries—the United States, Japan, and the Philippines. And we will perhaps formalize it but we, at this point, we are still…that’s part of the discussion that we will be having to exactly what will be put in any agreement,” ayon kay Pangulong Marcos.
“It is probably just formalizing what we are already doing, which will put a bit more structure to what we will do as a interoperability and the actual joint cruises that we are having,” aniya pa rin. (Daris Jose)
Other News
  • Na-miss ang aso nang ma-confine: CARLA, muntik nang magka-sepsis dahil sa kidney stones

    SA wakas ay natapos na ang misteryo sa pagkaka-ospital ng ‘Widows’ War’ actress na si Carla Abellana nitong Agosto.   Ikinuwento ni Carla sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel (sa 24 Oras) na tatlong araw siyang namalagi sa ospital.   Lahad ni Carla, “Doon ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, […]

  • ANGELI, umaming suportado ng ina sa pagpapa-sexy na taliwas sa amang Korean general; bida agad sa second movie

    MASUWERTE ang dating cosplayer na si VMX Crush Angeli Khang dahil second movie pa lang niya sa Viva Films na nagsi-celebrate ng 40th Annivesary ngayong November, ay bida na agad siya.     Una ngang nagpakita ng alindog ang Fil-Korean star sa erotic film na Taya, na kung saan nakasama rin niya ang in-demand young sexy […]

  • 4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]