Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.
Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga reklamo hinggil sa illegal parking ng ilang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.
Partikular na binanggit ni Col. Rejano ang pangunahing kalsada sa Barangay Longos at Tonsuya kaya’t sa koordinasyon sa mga miyembro ng Malabon City Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) at MMDA, ikinasa ng mga tauhan ng Police Sub-Station (PSS)-5 sa pangunguna ni P/Capt. Carlos Cosme ang paglilinis sa mga kalsada ng Lapu-Lapu Avenue, P. Aquino Avenue at Gozon Compound sa naturang mga barangays dakong 8:30 ng umaga.
Ayon kay Capt. Cosme, higit 20 na mga sasakyan, kabilang ang private, utility vehicles at trailer trucks na illegal na nakaparada sa mga pangunahin at secondary roads ang kanilang nahuli.
Sinabi pa ni Capt. Cosme na ang mga saksakyan, kabilang ang mga trailer trucks na ilegal na nakaparada ay dinala sa kanilang impounding area habang ang mga may-ari at drivers ng iba pang mga sasakyan na nagtangkang alisin ang kanilang sasakyan na illegal na nakaparada ay inisyuhan ng citation tickets.
Ang utos na ibinigay ni Col. Rejano sa kanyang lahat na Sub-Station commander na linisin ang lahat ng pangunahin at secondary roads ay may kaugnayan sa direktiba ng DILG sa pagbabalik ng clearing operation. (Richard Mesa)
-
Ads December 13, 2023
-
LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo
Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1. Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo. […]
-
PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya
TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang. Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]