• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilinis sa mga illegal parking sa Malabon, pinaigting

Mahigit 20 na mga sasakyan, kabilang ang mga trailer truck na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Malabon City ang pinaghuhuli ng mga awtoridad sa isinagawang road clearing Opereation.

 

Ito’y matapos ipag-utos ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano sa lahat ng kanyang sub-station na paigtingin ang road clearing operation kasunod ng mga reklamo hinggil sa illegal parking ng ilang mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

 

Partikular na binanggit ni Col. Rejano ang pangunahing kalsada sa Barangay Longos at Tonsuya kaya’t sa koordinasyon sa mga miyembro ng Malabon City Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) at MMDA, ikinasa ng mga tauhan ng Police Sub-Station (PSS)-5 sa pangunguna ni P/Capt. Carlos Cosme ang paglilinis sa mga kalsada ng Lapu-Lapu Avenue, P. Aquino Avenue at Gozon Compound sa naturang mga barangays dakong 8:30 ng umaga.

 

Ayon kay Capt. Cosme, higit 20 na mga sasakyan, kabilang ang private, utility vehicles at trailer trucks na illegal na nakaparada sa mga pangunahin at secondary roads ang kanilang nahuli.

 

Sinabi pa ni Capt. Cosme na ang mga saksakyan, kabilang ang mga trailer trucks na ilegal na nakaparada ay dinala sa kanilang impounding area habang ang mga may-ari at drivers ng iba pang mga sasakyan na nagtangkang alisin ang kanilang sasakyan na illegal na nakaparada ay inisyuhan ng citation tickets.

 

Ang utos na ibinigay ni Col. Rejano sa kanyang lahat na Sub-Station commander na linisin ang lahat ng pangunahin at secondary roads ay may kaugnayan sa direktiba ng DILG sa pagbabalik ng clearing operation. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads April 17, 2021

  • AFPI hindi pumayag sa mungkahi ng DOTr na alisin ang cost ng beep card on top of the fare load

    NADISMAYA ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pasya ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collec- tion system (AFCS) sa EDSA Busway na alisin ang bayad sa beep card on top of the fare load kahit na pinakiusapan sila ng pamahalaan.   Mabigat ito para sa mga commuters na umaasa lamang bilang […]

  • Perfect couple at kita na ang pagkakahawig: IG post ni BEA na kasama si DOMINIC, pinupuri ng netizens

    MAY possibility pala na mabawasan ang mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” pero hindi naman ibig sabihin ay tatanggalin nila ang mga regular hosts na napapanood ngayon, kundi may mga soap o ibang projects silang gagawin.     Ibig sabihin, magkakaroon ng conflict sa schedule nila dahil may mga tinanggap o may ibinigay […]