• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilipat ng mga hinatulang inmates ipinatigil ng SC

Ipinatigil pansamantala ng Supreme Court (SC) ang paglilipat sa kustodiya ng mga bilangguang pinatatakbo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga bilanggong nahatulan ng korte dahil umano sa patuloy na banta COVID-19.

 

Sinabi ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na lahat ng nahatulang inmates mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31 na dapat ililipat sa mga pasilidad ng BuCor ay mananatili muna sa mga kulungan na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

Base na rin ito sa kahilingan ni BuCor Director General Gerald Bantag na suspindihin muna ang paglalabas ng ‘commitment orders’ sa kanila para malimitahan ang galaw ng mga bilanggo at maiwasan ang hawahan.

 

Matatandaan na 21 bilanggo na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19 habang nasa 343 ang tinamaan nitong Hulyo 20.

 

Unang iniutos ng SC sa mga korte na ilagay muna sa kustodiya ng mga bilangguan ng pulisya ang mga bagong nahuhuling suspek sa krimen sa halip na sa mga city jails.

Other News
  • Jesus; Matthew 6:34

    Do not worry about tomorrow.

  • Ayon sa paniniwala nina ER at Jeric: DAVID, puwede na maging next big action star

    SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.       Sa trailer, makikita mo ang husay sa mga action scenes niya si David, na ayon sa […]

  • Sharon, pumayag na i-tour ang condo units sa vlog ng comedian friends

    PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na i-tour ang kanyang condominium unit for the first time through a vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, and Chad Kinis or her Beks Batallion.   Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una […]