• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagmamahal, Manahan ka Tuwina By: Cathy Padol

Ikaw ba ay nagmamahal?

Batid ko ikaw ay nagmamahal?

Sa panahong ang mundo ay sadlak sa kawalan ng pag – asa,

Sa panahong akala mo ikaw ay nilisan na ng pag – asa,

Umasa ka! Bumangon ka! Yumabong ka!

Iaahon ka ng pagmamahal.

 

Alam mo ba na ang pagmamahal ay pag – asa?

Ang bawat pusong nasasaktan, napupunan,

nahihiluman ng kasiyahan,

yan ang pagmamahal.

 

Ito ay busilak,

Walang bahid at tunay,

Ibinibigay ng malaya,

Buong puso at saya.

 

Walang kapalit,

Kusang binibigay,

Sinisidlan ang galit at poot,

Inuunawa ang hindi maarok,

Nagpapatawad ng walang pag- imbot.

 

Alam mo kung ano pa ang pagmamahal?

Ito ay respeto,

pag – ibig,  pag- unawa, pagmamalasakit;

Tulad ng mahigpit na yakap ng ating inang marikit,

ang pagmamahal ay nagmula sa langit,

isang biyaya na animo’y

walang hanggang magandang awit.

Other News
  • ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA

    BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa  Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito.     Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay […]

  • 3 tulak arestado sa P400K shabu sa Caloocan

    KULONG ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Ditrict Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Dennis Odtuhan ang naarestong suspek […]

  • Jade Bornea hahamon sa IBF junior bantamweight

    AALAMIN ang isang purse bid para sa world title fight nina International Boxing Federation junior bantamweight champion Fernando Martinez at challenger Jade Bornea para sa mandatory title bout ng Argentinian ngayong taon.   Si Martinez ang humablot ng IBF titleng kababayang Pinoy ni Bornea na si Jerwin Ancajas via unanimous decision sa sa Estados Unidos […]