• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagmamahalang Jodi at Raymart, maraming masaya at mauwi sana sa kasalan

FINALE episode na ngayong gabi ng ng I Can See You: Love on the Balcony pero unang gabi pa lang itong ipinalabas, may mga request na ng part 2.

 

Ang tanong nga lang, magkakaroon pa kaya ng part 2 ang tandem nina Asia’s Multi- media Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith?

 

Balita kasi namin, for one month lang pala ang mini-series ng GMA Network’s na I Can See You with its 4 weekly episodes.

 

Nauna na nga ang “Love on the Balcony” nina Alden at Jasmine. Nagsama na ang dalawa dati, pero si Maine Mendoza ang talagang kapareha ni Alden.

 

Ngayon lang ‘yung sila talaga ang may love interest sa isa’t-isa. At refreshing din ha, na for a change, yung mga comments na nababasa namin ay hindi puro pamba-bash o pagnenega dahil si Alden ay may ibang leading lady.

 

Ilan sa mga comments, “le- git yung kilig ko kina Alden at Jasmine!”

 

“Bagay din pala sina Jas- mine at Alden.”

 

“Bet ko yung ganitong role ni Alden. Yung may tapang, may yabang.”

 

“Ang lakas ng chemistry! Sana tuloy-tuloy na ang series!”

 

Yun nga lang, mukhang naka- set ang GMA Network na good for one month lang ang I Can See You dahil magsisimula ng umere ang tatlong inabutan ng pandemic sa GMA Telebabad na Descendants of the Sun, Love of My Life at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

*****

 

MAUWI na kaya sa kasalan ang relasyon ngayon nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria?

 

Ilan na rin ang nakarelasyon ni Raymart after his failed marriage with Claudine Barretto.

 

Buong-akala nga ng marami, okay pa sila ng non-showbiz girl- friend niya. Hanggang sa umamin na nga si Raymart na sila na ni Jodi. Dahil na rin sa lumabas na picture nila na magkayakap.

 

Si Jodi naman, ang huling nabalitaan pa lang na nakarelasyon niya ay si Jolo Revilla na nagpakasal na.

 

Binasa namin ang mga com- ments sa Instagram account ni Jodi. Mukhang hindi lahat ay pabor o boto na si Raymart ang napili niyang mahalin, huh.

 

Feeling siguro ng ilan, baka hindi rin magtagal?

 

Pero in fairness, marami rin naman ang masaya para sa kanila. May mga nagsasabi rin na bagay sila. Happy rin for them ang mga kaibigan nilang artista.

 

At baka naman nga, parehong nanggaling sa failed marriage and failed relationship, baka naman at the end, yung sa kanila pala ang magwu-work. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Trabaho at hindi gala ang ginagawa ni PBBM

    ITO ang iginiit nina House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin at Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa ginawang foreign travels ni Pangulong Marcos. Ayon sa mga mambabatas, ginagampanan lamang ng pangulo ang kanyang tungkulin sa pagnanais na palakasin ang diplomatic ties at makakuha ng foreign investments, na makakapagbigay ng mahabang benepisyo sa bansa. […]

  • After ng bakasyon sa Amerika: ANDREA, nakabalik at naka-quarantine na tama lang sa araw ng Pasko

    NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika.     Naka-quarantine pa ngayon si Andrea pero nag-share na siya ng video sa kanyang social media account na na-miss niya ang Pilipinas at tama lang daw ang uwi niya para sa nalalapit na Pasko. […]

  • 3 drug suspects huli sa baril at shabu

    Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos sa P.2 milyon halaga ng shabu sa loob ng isang sasakyan sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Edwin Ramos, 37, driver ng San Nicolas […]