Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go
- Published on August 13, 2020
- by @peoplesbalita
Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.
Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.
Sinabi ni Go na walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Duterte ang mga corrupt at magnanakaw dahil ang “public office ay public trust”.
Ayon kay Go, inaasahan nilang gagawin ng task force na kinabibilangan ng DOJ, NBI, Ombudsman, COA, Executive Secretary at ang PACC ang malalimang imbestigasyon, audit at lifestyle check gayundin ang pagrerekomenda ng suspension, pag-prosecute at pagsasampa ng kaso hanggang sa dismissal kung kinakailangan.
Binigyang diin ni Go na tulad ng nabanggit ng pangulo, yayariin niya ang mga sangkot sa katiwalian.
Samantala, tiniyak ni Go na hindi matatapos sa paggamot ng korapsyon ang gagawin ng pamahalaan at sa halip ay dapat ding hanapan ito ng bakuna tulad ng isang sakit para maiwasan ang pagkakaroon nito sa mga susunod na panahon. (Daris Jose)
-
Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]
-
PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8
NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon. Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa […]
-
Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon
NAKAPASOK sa Rugby World Cup ang bansang Chile. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado. Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro. Dahil dito ay kabilang […]