PAGPA-FILE NG MGA KANDIDATO, LIMITAHAN ANG ISASAMA
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
PINALILIMITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang mga isasama ng mga kandidato kung maghahain ito ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy para sa 2022 national at local elections.
Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng pandemya dulot ng (COVID-19) .
“We are reminding those that will be filing their COCs to limit the number of people who you will take with you,” ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez .
Umapela rin si Jimenez sa mga personalidad na huwag nang pumunta at hayaan na lamang ang kandidato .
Sinabi ni Jimenez na ang kaligtasan sa aktibidad ay isang pagbabahagi ng responsibilidad, at hindi lamang ng Comelec.
“I would like to point out that keeping people safe is not exclusively the Comelec’s problem. It is everyone’s problem,” pahayag ni Jimenez
“The responsibility is with them also to act safely,” dagdapg pa ng Comelec spox.
Gayunman , tiniyak ng opisyal naagpapatupad ng extra precautions upang maiwasan ang paglabag sa kanilang mga guidelines.
Aniya maglalagay sila ng karagdagang mga tao at personnel sa mga chokepoints.
Sa Oktubre 1 hanggang 8 qng itinakdang paghahain ng COC para sa darating na halalan kung saan maaring gawin ang aktibidad sa ibat-ibang venue upang mapanatili ang physical distancing .
Dati aniya ang aktibidad ay ginaganap sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Maynila kung saan ang mga kandidato para sa pangulo, bise-presidente, senador, at partylist ay karaniwang naghahain ng kanilang mga COC. GENE ADSUARA
-
Online scammers, dumarami ngayong holiday season – SEC
Naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa lalo pang pagdami ng online scammers ngayong “ber months.” Ayon kay Atty. Oliver Leonardo, OIC ng enforcement and investor protection department ng SEC, kasabay ng pagdami ng mga lehitimong negosyo, sinasamantala rin ang ganitong panahon ng mga bogus na negosyante. Karamihan umano […]
-
Ads July 6, 2023
-
Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines
Si Pinoy Para swimNAGPASALAMATmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8. Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang […]