• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero dahil Bagyong Kristine pinatitiyak ni PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Kristine.

 

 

Sa situation briefing sa NDRRMC, iniulat sa pangulo na nasa 5, 329 ang mga pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa, habang nasa 994 na sasakyan naman ang hindi maka-sampa sa RORO, dahil sa sama ng panahon.

 

 

Nagpasalamat ang pangulo sa pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa inisyatibo na magbigay ng lugaw sa mga pasahero, na nagmula sa sarili nilang bulsa, ang gastos.

 

Gayunpaman, dapat aniya ay ang pamahalaan ang nangunguna sa pagtugon sa pangangailangan ng stranded, dahil sa sama ng panahon.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na una na rin silang bumaba sa mga pantalan upang alalayan ang ilang stranded passengers.

 

 

Habang mayroon na rin silang pakikipag-ugnayan sa DOST, para sa nalalapit na paglalabas ng ready to eat box, para sa mga mangangailangan. (Daris Jose)

Other News
  • Fernando, nilinaw ang usapin sa NFEx

    LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”     Ito ang binitawang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Joint Forum with Selected Legislators and Executives of the Provincial Government of […]

  • DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum

    PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa.           Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito.       “However, the agency […]

  • 2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas

    NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod. Sa kanyang […]