• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM

PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

 

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) nito noong ika-16 ng Nobyembre 2023.

 

 

“In adherence with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive, we will continue to strengthen social protection measures for our kababayans, especially the marginalized and vulnerable sectors. Alam at naiintindihan po namin na malaking tulong po ang programang ito sa mga kababayan nating nangangailangan,” ayon kay Secretary Pangandaman.

 

 

Isa ang AICS sa mga mahahalagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, at financial assistance para sa iba pang serbisyo at pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya.

 

 

Ang pagpapalabas ng karagdagang pondo ay nakaangkla sa special provision ng 2023 General Appropriations Act (GAA) na nagsasaad ng paggamit Unprogrammed Appropriations (UA). Ayon sa nasabing special provision, may nakalaang pondo na maaaring gamitin para bigyang suporta ang infrastructure projects at social programs, kabilang na ang pagbibigay ng financial assistance sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan.

 

 

Batay sa Special Provision No. 1 ng UA, ang halaga na nakapaloob dito ay maaari lamang magamit kapag may bago o sobrang revenue collections.

 

 

Sa kasalukuyan, ang available excess revenue sa ilalim ng UA na nakalaan sa nasabing programa sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng DSWD ay nasa P3 bilyon. (Daris Jose)

Other News
  • IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’

    THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network.     Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist.     Kinumpirma nga ito ng anak ni […]

  • 2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols

    Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.   Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.   Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.   Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston […]

  • Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M

    Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan.     Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina.     Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging […]