• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalakas ng sistema vs bank fraud dapat unahin

Sa halip na unang atupagin ang pagpapalit ng mukha ng P1,000 banknote, pinayuhan ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na asikasuhin muna ang pagkakaroon ng eagle-eyed anti-fraud mechanisms sa mga bangko.

 

 

Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para maprotektahan ang kliyente ng mga bangko kaysa palitan ang mga World War II martyrs ng litrato ng Philippine eagle sa P1,000 banknote.

 

 

Nakakahiya aniya para sa BSP na nalusutan sila ng nangyaring scam sa mga kliyente ng BDO kamakailan.

 

 

Pinatitiyak din ng kongresista na maibalik ang perang nawala sa maraming kliyente ng naturang bangko dahil sa nangyaring account hacking.

 

 

Bago pa man nangyari ang insidenteng ito, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na nasa P1 billion halaga ng pera ng mga bank clients ang nawala dahil sa mga cybercriminals at digital fraudsters ngayong taon lamang.

 

 

Kaya iginiit ni Brosas na dapat madaliin na ang imbestigasyon dito habang pinalalakas naman ang data privacy act at security sa banking system sa bansa. (Gene Adsuara)

Other News
  • DSWD, magbibigay ng cash-for-work sa mga residenteng apektado ng oil spill

    NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ng  oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.     Sinabi ni DSWD Scretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang […]

  • OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest

    NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.     Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.     Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong […]

  • P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon […]