Panukalang “foundling welfare act”, pasado sa huling pagbasa sa Kamara
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
NAGKAKAISANG ipasa sa huling pagbasa ng kamara ang House Bill 7679 o ang “Foundling Welfare Act.”
Layunin ng panukala na itaguyod ang mga karapatan ng mga ulila o abandonadong kabataan na walang pagkakakilanlang mga magulang at pangalagaan ang kanilang mga estado bilang natural-born Filipino citizens, at parusahan ang sinumang aabuso sa kanilang mga kapakanan.
Pangunahing iniakda nina Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong at Tingog Sinirangan Party-list Rep. Yedda Marie Romuladez, layunin ng HB 7679 na gawaran ang mga ulila o abandonado ng pantay na pribilehiyo at pangangalaga laban sa diskriminasyon at ang pagbibigay ng suportang serbisyo tulad ng pagpaparehistro, pagsasaayos ng mga dokumento para sa pag-ampon, edukasyon, legal at proteksyon mula sa pulis, sapat na nutrisyon at pangangalaga sa kanilang kalusugan, at maayos na pagtanggap sa mga ligtas at protektadong child centers.
Kapag naisabatas na ang panukala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang siyang mangangasiwa sa pagsusuri at pagsisiyasat sa mga pinagmulan at pamilya ng mga ulila at abandonado, at itatalaga ang kagawaran upang ihanda ang masusing pag-uulat upang kalaunan ay maiwasto at mairehistro sila sa Local Civil Registrar, na siya namang magpapalabas ng kanilang birth cer- tificates. Dagdag pa rito, ang Philip- pine Statistics Authority (PSA), katuwang ang DSWD, ay aatasang magpalaganap ng mga impormasyon at kalatas, at kampanya sa mga kahalagahan ng pagpapatupad ng panukalang Foundling Welfare Act. (Ara Romero)
-
Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson
Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson. Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA. Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals […]
-
3 tulak timbog sa P1.3 milyon shabu sa Caloocan
KALABOSO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang dalaga matapos makunanan ng higit P1.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Esmeralda Pangyarihan alyas […]
-
PhilHealth sinagot P21.1-B unpaid hospital claims
Emosyonal na humarap sa pagdinig ng Kamara ang presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong araw matapos ang sunud-sunod na banat sa kanila dahil sa bilyung-bilyong utang sa mga ospital. Sabado nang sabihin ng Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association at Philippine Medical Association na kakalas sila sa PhilHealth dahil sa […]