• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP

Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .

 

 

Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

 

 

Siniguro ni Usana mananaig pa rin ang rule of law.

 

 

“Ok lang po. It does happen at one time or another po. Part po siya ng due process. The rule of law still prevails po. Our investigation will just continue their work on the case in just a normal fashion”, mensahe ni Usana.

 

 

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, nagsasagawa na ngayon ng tracking operations ang CIDG laban sa mga at large na suspeks na nakita sa CCTV footage.

 

 

Siniguro din ni Sinas sa pamilya Dacera na hindi nila bibitawan ang kaso hangga’t walang napapanagot.

 

 

Tukoy na rin ng mga otoridad sa ngayon ang lahat ng mga personalidad na nakita sa hotel room ni Christine, batay sa mga nakuhang CCTV footages.

 

 

Samantala, nanindigan ang tatlong pinalayang suspeks sa Dacera rape-slay case na inosente sila at mahal na mahal nila ang kaibigang si Christine Dacera at hindi nila kayang gahasain ang kaibigan.

 

 

Ito ang pahayag ng tatlo matapos pinalaya ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

 

 

Ayon sa tatlo sila ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kaibigan, hiling ng mga ito na sana malinawagan ang ina ni Christine sa nangyari at wala silang kasalanan.

 

 

Pasado alas-7:00 kagabi ng pinalaya sila ng Makati City Police Station batay sa utos ng korte at ngayon naka uwi na sila sa kani kanilang pamilya.

 

 

Sa kabilang dako, inilipat kagabi sa Mortuary Chapel sa loob ng Camp Crame ang labi ni Christine Dacera para sa final viewing ng kanyang mga kaibigan bago pa ito iuuwi ngayong araw sa kaniyang hometown sa General Santos City.

 

 

Kagabi dumalaw ang mga ka trabaho nito na pawang mga flight attendant din ng Philippine Air Lines (PAL). ( ARA ROMERO)

Other News
  • DoH nagpaliwanag sa pagpayag na optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor

    DUMIPENSA ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.     DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapokus […]

  • Pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre ilalabas – Comelec

    Sa Disyembre pa malalaman kung sino ang mga opisyal na tatakbo para sa 2022 National at Local Elections dahil sa isinasailalim pa sa pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsumite ng kanilang ‘certificate of candidacy (COC)’.     Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang […]

  • ASF kakalat sa summer vacation, picnics – DA

    NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa posibilidad na bumilis ang hawahan ng African Swine Fever (ASF) ngayong summer vacation dahil madali aniyang maihawa ang naturang karamdaman sa panahon ng tagtuyot o dry season. Ayon kay Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estope­rez, maraming tao ang tiyak na magbabakasyon at magpipiknik ngayong summer season kaya’t […]