Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .
Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Siniguro ni Usana mananaig pa rin ang rule of law.
“Ok lang po. It does happen at one time or another po. Part po siya ng due process. The rule of law still prevails po. Our investigation will just continue their work on the case in just a normal fashion”, mensahe ni Usana.
Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, nagsasagawa na ngayon ng tracking operations ang CIDG laban sa mga at large na suspeks na nakita sa CCTV footage.
Siniguro din ni Sinas sa pamilya Dacera na hindi nila bibitawan ang kaso hangga’t walang napapanagot.
Tukoy na rin ng mga otoridad sa ngayon ang lahat ng mga personalidad na nakita sa hotel room ni Christine, batay sa mga nakuhang CCTV footages.
Samantala, nanindigan ang tatlong pinalayang suspeks sa Dacera rape-slay case na inosente sila at mahal na mahal nila ang kaibigang si Christine Dacera at hindi nila kayang gahasain ang kaibigan.
Ito ang pahayag ng tatlo matapos pinalaya ng korte dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Ayon sa tatlo sila ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kaibigan, hiling ng mga ito na sana malinawagan ang ina ni Christine sa nangyari at wala silang kasalanan.
Pasado alas-7:00 kagabi ng pinalaya sila ng Makati City Police Station batay sa utos ng korte at ngayon naka uwi na sila sa kani kanilang pamilya.
Sa kabilang dako, inilipat kagabi sa Mortuary Chapel sa loob ng Camp Crame ang labi ni Christine Dacera para sa final viewing ng kanyang mga kaibigan bago pa ito iuuwi ngayong araw sa kaniyang hometown sa General Santos City.
Kagabi dumalaw ang mga ka trabaho nito na pawang mga flight attendant din ng Philippine Air Lines (PAL). ( ARA ROMERO)
-
Maayos at mapayapa ang paghahain ng kandidatura para sa midterm polls… COC filing umarangkada, pero matumal pa
UMARANGKADA na October 1, Martes ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE) sa bansa. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, base sa isinagawa nilang monitoring sa sitwasyon ay naging maayos at mapayapa naman ang unang araw ng paghahain ng kandidatura para […]
-
Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla
SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin […]
-
PBBM kabilang sa sisingilin ng BIR kung kumikita ito sa kanyang mga vlog
NILINAW ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magbayad ng buwis kung kumikita sila sa kanilang mga vlog. Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), anuman ang kanilang pagkakakilanlan, ang mga vlogger na kumikita ng kanilang mga account sa mga streaming […]