Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado
- Published on September 23, 2022
- by @peoplesbalita
LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.
Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee amendments ang panukala dahil ito naman ay substitute bill at agad ding dumiretso sa individual amendments.
Isang amendment ni Sen. Alan Peter Cayetano ang ipinasok ni Sen. Imee Marcos kung saan ipinadaragdag ang phrase na ang mga indibidwal na eligible na kandidato para sana sa December 5, 2022 Barangay at SK elections ay pinatitiyak na qualified pa rin sa halalang pambarangay at SK sa December 2023.
Hindi naman tinanggap ni Marcos ang pahabol na individual amendment ni Hontiveros na sa halip na December 2023 ay sa May 2023 idaos ang BSKE dahil naisara na ang botohan sa 2nd reading.
Sa ilalim ng panukala ay isasagawa ang Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng December 2023 at ang panunungkulan sa mga nahalal sa petsang ito ay magsisimula sa January 1, 2024.
Ang susunod naman na halalan para sa Barangay at SK ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Mayo 2026, at mula sa petsa na ito ay idaraos na ang eleksyon tuwing ikatlong taon.
Ang mga maluluklok sa May 2026 ay mag-uumpisa naman ang panunungkulan sa June 30, 2026.
Base sa rules ng Senado, dahil pasado na sa ikalawang pagbasa kaya sa susunod na linggo ay maaaring maaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala. (Daris Jose)
-
DOLE, tiniyak na tutulungan ang mga repatriated OFWs na nais na muling magtrabaho sa ibang bansa
HANDA ang gobyerno na tulungan ang 250,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na muling makapagtrabaho sa ibang bansa matapos umuwi ng Pilipinas makaraang maapektuhan ng Covid – 19 ang kanilang trabaho. Sinabi ni Labor Sec. Silvestre bello III, bukas ang kanilang tanggapan na tulungan ang sinumang repateiated OFWs na nais na muling makapaghanapbuhay sa […]
-
Reklamo sa di umano’y pagdukot sa mga aktibista, isang ‘act of desperation’
ITINUTURING ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na “act of desperation” ang inihaing reklamo laban sa kanila sa di umano’y pagdukot sa dalawang environment activists. Sinabi ni NTF-ELCAC spokesperson Jonathan Malaya na ang reklamong inihain nina Jhed Tamano at Jonila Castro sa Office of the Ombudsman ay para […]
-
PBBM, nilagdaan ang batas para sa paghihiwalay sa school extensions
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang ilang batas na maghihiwalay sa sa iba’t ibang school extensions at i-convert ang mga ito sa independent institutions. Sa ilalim ng Republic Act No. 12057, ang Paulino Dari National High School (PDNHS) – Balong-balong Extension sa Pitogo, Zamboanga Del Sur ay ihihiwalay mula sa PDNHS at itatatag […]