• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM

PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan.

 

 

Iginiit umano ng Senador kay Pangulong Marcos na kung hindi kayang ipatupad ang task force na tututok sa mga iligal na aktibidad ng POGO na mukha umanong hindi talaga dahil ilang taon na ang kaguluhan na ito ay dapat itigil na lamang.

 

 

Sinabi umano ito ni Marcos dahil alam naman niya na ayaw talaga ito ng Presidente tulad ng pag-ayaw sa E-sabong na kikita nga subalit maliit lamang ito at hindi sapat ang halaga para sa krimen tulad ng kidnapping, abduction at iba pa.

 

 

Sa tingin din ng senador, mas malaki ang kita ng “under the table” kaysa sa ibinabayad na buwis ng POGO sa gobyerno.

 

 

Sa kabila nito ay wala pa umanong pinal na desisyon ang Pangulo kung dapat nang buwagin ang POGO sa bansa.

 

 

Naniniwala rin si Sen. Imee na kahit ipasara ang POGO ay hindi ito makakaapekto sa relasyon ng China at Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Kyrgios di muna makakalaro dahil sa injury

    Si Nick Kyrgios ay umatras sa Australian Open ngayon Lunes dahil sa injury nang hindi nito natamaan ang bola at masama ang kanyang loob at hindi siya makakalaban sa Grand Slam na ginanap sa kanyang bansa.   Ang talentadong ngunit masungit na Australian, na itinuturing na isang panlabas na pagkakataon na manalo ng titulo, ay […]

  • PBBM, tinatrabaho na ang pagbabalik ng P10B pondo na tinapyas sa DepEd

    TINATRABAHO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik sa tinapyas na P10 billion na pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.       “On the subject of the DepEd, we are still looking into it. I think it is contrary to all our […]

  • MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’

    SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.     Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, “Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, […]