• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatuloy ng face-to-face classes sa 39 Metro Manila schools ‘generally smooth’- DepEd

SINABI ng Department of Education (DepEd) na “generally smooth” ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes sa ilang piling public at private schools sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Overall assessment was smooth and learners are excited to go back to schools,” ayon kay DepEd Human Resource and Organizational Development Officer-in-Charge (OIC) Wilfredo Cabral.

 

 

Si Cabral, nagsisilbi bilang Regional Director of DepEd-NCR, ay nagpahayag na 39 na eskuwelahan ang nagpatuloy ng face-to-face classes, araw ng Miyerkules kung saan “the 28 are the original pilot schools.”

 

 

Tinukoy ang updates mula Navotas, sinabi ni Cabral na ang pagpapatuloy ng face-to-face classes ay “generally smooth” dahil ang lahat ng nagpartisipang eskuwelahan ay binigyan ng Safety Seals ng Department of Interior and Local Government (DILG).

 

 

Aniya pa, ang “perfect attendance was noted” sa mga paaralan na nagpatuloy ng limited face-to-face classes.

 

 

Sinabi pa rin ni Cabral na ang “overwhelming support from stakeholders” ay kinabibilagan ng mga guro at personnel ng nagpapartisipang eskuwelahan, magulang, mag-aaral, LGUs at iba pa.

 

 

Aniya pa, ang DepEd ay magpo-provide ng updates “from the rest …of the NCR schools once available.”

 

 

Sa kabilang dako, agbigay din ang DepEd ng updates ukol sa unang araw ng expanded face-to-face classes sa ilang Metro Manila schools gaya ng naka-post sa kanilang Facebook page.

 

 

Kabilang sa mga eskuwelahan na nagpatupad ng expansion phase ng limited face-to-face classes ay ang Ignacio B. Villamor Senior High School (IBVSHS) sa Sta. Ana, Manila kung saan ang nagpartisipa ay ang Grade 12 Technical-Vocational Livelihood (TVL) – Information Communication and Technology students.

 

 

Ang lahat ng mga estudyante at guro na nakiisa sa limited face-to-face classes ay pawang fully vaccinated laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ang mga mag-aaral ay binigyan ng consent o pinahintulutan ng kanilang mga magulang na magpartisipa sa in-person classes.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng IBVSHS ang mahigpit na implementasyon ng safety protocols para sa proteksyon ng mga sasali sa face-to-face classes.

 

 

“Overall, the expanded face-to-face class (hybrid set-up) at our school was smooth and successful,” ayon kay IBVSHS teacher Aljohn Cueva.

 

 

“Innovation in the education system like the hybrid setup will also help address some of the problems in other types of learning modalities like online and modular,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

Other News
  • SHARON, pinasilip ang teaser photos ng ‘Revirginized’; sinagot ang netizen at sinabing walang sinasanto ang COVID

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang naitalang highest single-day increase ng COVID-19 cases last March 29 na umabot sa 10,016.     May caption ito sa kanyang IG post ng, “Please naman maawa na kayo sa mga kababayan nating namamatay!!! TAO MUNA UNAHIN, puede po?! At tayong lahat sana sumunod na sa health protocols at […]

  • FINAL TRAILER OF “MORBIUS” UNLEASHES THE DARKNESS INSIDE

    “LET go of what you used to be. Discover who you’re meant to be.”  Columbia Pictures has just released the final trailer of its upcoming Marvel action-thriller Morbius starring Jared Leto.       Check it out below and watch Morbius exclusively in Philippine cinemas March 30.   YouTube: https://youtu.be/ZOjXgec3gdw   About Morbius   One of Marvel’s most compelling and conflicted characters […]

  • Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut

    SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa. Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the […]