Pagpapatupad ng child car seat law pinagpaliban
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagpaliban muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicle Act habang tinatapos pa ng Land Transportation Office (LTO) ang guidelines ng nasabing batas.
Parehas na umayon ang DOTr at LTO na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng batas dahil na rin sa pandemic at upang mapagaralan ng mabuti ang edad at taas ng mga bata na sasailalim sa child car seat law. Pag-aaralan din ang tamang standard ng seat at mga multa na ipapataw sa mga hindi susunod at mahuhuling sumasaway sa batas.
Sinabi ni Transportatio Assistant Secretary Goddes Libiran na mga anim (6) na buwan ang kanilang kailangan upang magkaron ng malawakang information campaign bago ipatupad ang batas.
“Secretary Tugade said we must consider the current situation given the pandemic,” wika ni Libiran.
Ayon pa rin sa DOTr na ang LTO ay nasa proseso ng patapos na pag-aaral tungkol sa mga protocols na kailangan sa nasabing batas lalo na at kailangan ang special training dahil ang mga bata ay kasama sa batas na ito.
Dapat sana ay nagkaron ng enforcement at communications planning workshop ang LTO sa pagpapatupad ng Child Car Seat Law noong nakaraang March 19, 2020 subalit ito ay hindi natuloy dahil sa quarantine restrictions na pinatupad noong nagkaron ng lockdown sa Metro Manila.
Sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Child Car Seat Law ang may edad na 12 at may taas na 4’11” pababa ay kinakailangan na gumamit ng car seats.
Dagdag pa ng LTO na hindi muna sila manghuhuli ng mga hindi susunod sa batas sa loob ng anim (6) na buwan o hanggang August sapagkat itutuon muna nila ang kanilang priority sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Child Car Seat Law sa mga drivers at magulang sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers at iba pang paraan ng kuminikasyon.
“We will not imposing fines and penalties on violators immediately. What we are doing now is focusing on a massive information campaign,” saad ni LTO chief Edgar Galvante.
Ang batas ay nagpapataw ng multang P1,000 para sa unang offense at P2,000 sa ikalawang offense hanggang P5,000 naman para sa ikatlong offense at isang (1) taon na pagsuspendi ng driver’s license depende sa ginawang offense.
Dapat sana ay ipapatupad na ang batas noong nakaraang Martes subalit ito ay ipinagpaliban muna.
Ayon naman sa mga senators dapat sana ay bigyan muna ng LTO ang mga car owners ng sapat na pagkakataon upang ang mga private car owners ay makakuha ng child car seats bago ipatupad ang batas.
“I signed a resolution urging the DOTr and LTO to defer the enforcement of the Child Car Seat Law until the necessary guidelines are put in place,” wika ni Senator Majority Leader Juan Miguel Zubiri. (LASACMAR)
-
8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist
HINDI umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon. Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas. […]
-
Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM
NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti. Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga […]
-
‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy
IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo. Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter […]