Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro
- Published on June 21, 2022
- by @peoplesbalita
IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.
“We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike has already caused the failure of payment of teachers’ loans with their measly salaries barely sufficient for their daily needs following the implementation of the premium hike last June 15,” ani Castro.
Matatandaang inihain ng mambabatas kasama ang Makabayan bloc ang House Joint Resolution 34 noong Enero 2021 para sa agarang suspensiyon sa pagtaas ng premium sa PhilHealth kasabay na rin ng COVID-19 pandemic.
Nanatili itong naka-pending sa Committee on Health ngayong Kongreso pero umaasa ang mambabatas na agad na ipapasa ng papasok na 19th Congress ang panukala para sa agarang suspension ng PhilHealth premium rate hike.
Sinabi pa ni Castro na maraming mga guro ang nasa P5,000 na lang ang net take home pay. Ikakaltas pa ang dagdag na premium sa Philhealth na makakaapekto sa kanilng loan monthly payments.
Bukod aniya sa dagdag na bayarin para sa naghihirap na mga kababayan, nagdudulot pa ito ng mas malaking problema na may domino effect sa mga bayarin ng mga guro.
Mababaon na naman sa lumolobong utang ang mga guro na siyang nagtataguyod ng edukasyon sa bansa sa limitado umanong tulong at suporta mula sa gobyerno.
“Hindi rin naman nasasagot sa pangangailangan ng medical ng mga guro at pamilya ang mga benepisyo ng PhilHealth at kahit ang annual at medical check-up ng mga teachers na sa PhilHealth budget nilalagay ay hindi buong napapakinabangan kung hindi pahirapan pa ang pag-avail,” Castro stated.
“Government must prioritize wage hikes for our workers instead of imposing increases in contributions, especially in agencies with massive corruption issues. We urge Congress to urgently hear House Joint Resolution 34 filed by the Makabayan bloc, seeking to defer the looming PhilHealth premium hike amid massive price hikes and glaring unresolved issues in the PhilHealth,” pagtatapos ni Castro. (Ara Romero)
-
20% NG POPULASYON NG PINAS, MABABAKUNAHAN -DOST
SINIGURO ng Department of Science and Technology (DOST) na 20% ng populasyon ng Pilipinas ang mababakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng COVAX Facility. Ayon kay DOST-Research and Development Executive Director Jayme Montoya na 3% ng bakuna ay ilalaan sa mga health workers at ang 17% ay para sa mga high risk group gaya ng […]
-
KIT, walang problema sa nudity pero ‘di naman gagawa ng ‘soft porn’
HINDI issue kay Kit Thompson ang nudity. Basta gusto raw ang isang project, kahit na ano ang requirement ng role, he will do it. “Nudity is not a problem for me. As long as I like the project and I trust the director, I will do anything that the role requires,” […]
-
Abalos, ipinag-utos sa LGUs na maghanda para sa posibleng epekto ng El Niño
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghanda para sa at pagaanin ang posibleng epekto ng El Niño sa kanilang lugar. Ang kautusan ni Abalos ay matapos na magpalabas ng El Niño alert ang state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagpapakita […]