Pagpapatupad ng universal health care, isa sa “biggest projects” ni PBBM
- Published on June 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISA sa “biggest projects” ng administrasyong Marcos ang ipatupad ang Universal Health Care Act.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa Koronadal City, South Cotabato, nang idaos ang paglulunsad ng Healthcare System and Referral Manual para sa lalawigan.
Ayon sa Pangulo, siya at ang bagong Health Secretary na si Teodoro Herbosa ay nagsimula nang masusing pag-aralan kung paano gagawin ang nationwide implementation ng batas gaya ng matagumpay na isinagawa sa South Cotabato.
Ang Universal Health Care Act ay tinintahan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang “full implementation” nito ay inaasahan na tatagal ng 10 taon.
“The Universal Health Care Act is simple. It’s saying everyone who’s a Filipino citizen should be supported in buying medicines, consulting a doctor.. We should also help them in their hospitalization and their treatment,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan.
Kasama ng Pangulo si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na nag-abot ng P10,000 cash aid sa bawat isa sa 2,000 benepisaryo.
Samantala, tinulungan din ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang 619 benepisaryo sa ilalim ng Integrated Livelihood Program nito, umabot sa P13 milyon. (Daris Jose)
-
FDCP Sets To Screen 3 Cannes Films in the QCinema International Film Festival,
IN line with its goal to bring world cinema to the Philippines, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) is set to screen Cannes Film Festival official selection titles in the QCinema International Film Festival from November 18 to 25. Fresh from this year’s Cannes Film Festival, Return to Seoul by Davy […]
-
PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado
MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan. “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]
-
Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang […]