• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador

MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance.  

 

 

Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin.

 

 

Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink.

 

 

Hindi lang naman siya ang wholesome actor na nag-eendorse ng alak pero dahil siguro we’ve always pictured Alden as someone wholesome, hindi talaga namin ma-gets ang idea na nag-e-endorse siya ng alak.

 

 

Tanggap naman namin na in his private moment ay pwedeng umiinom ng alak si Alden pero to see him as an endorser ng inuming nakalalasing ay parang ‘di naman bagay, kasi nga we see him as somebody wholesome.

 

 

Kapag kinuha kang endorser ng isang product, ibig sabihin naniniwala ang kompanya sa iyo na capable ka to help the company grow. Siyempre added income for Alden ang endorsement, kahit na anong product pa iyan.

 

 

Pero sana ang pag-e-endorse ng inuming nakalalasing ay nakatulong to boost Alden’s image, hindi nakasisira.

 

 

Pero baka kami lang naman ang hindi pabor sa pag-e-endorse ni Alden ng inuming nakalalasing. Baka naman tanggap ito ng kanyang mga fans.

 

 

Pero we’d rather see Alden endorsing products na wholesome and for the whole family. Tulad ng ice cream at gatas, mga food products na hindi nakakaapekto sa ating kalusugan.

 

 

***

 

 

PURO speculations lang naman ang mga lumalabas na chika na tatakbo for a higher position si Deputy Speaker and Lipa City Congresswoman Vilma Santos Recto.

 

 

May mga nagsasabi na tatakbo raw na Senador si Ate Vi. May mga political parties na nagsabi na balak nilang kunin si Ate Vi para tumakbong senador sa kanilang ticket.

 

 

Maganda naman kasi ang track record ng aktres bilang politician. Wala siyang issue ng corruption at maayos ang kanyang panunungkulan bilang mayor, governor at congresswoman.

 

 

Kaya mabango ang pangalan niya. Kaya hindi naman nakapagtataka kung may mga political parties na gusto siyang ligawan para isali sa senatorial line up nila.

 

 

Wala pa naman kumpirmasyon na nanggaling mula sa kampo ni Cong. Vi pero tiyak na ikakatuwa ng kanyang mga fans at constituents if ever matuloy na tumakbong senador ang Star for All Seasons.

 

 

Dahil friend naman namin si Ate Vi sa Facebook kaya nagpadala kami ng message sa kanya and asked about her plans for next year. We were hoping na sumagot siya at hindi naman kami nabigo.

 

 

Ito ang sagot ni Ate Vi sa amin, “Hi Ricky! Nothing is final. May run for Senate or retirement from politics. Regarding the partido, I am under NP. Marami pang dapat i-consider. Iba na panahon ng eleksyon ngayon plus kampanya na nakataya ang health sa covid !!! Praying for the right decision.”

 

 

Nag-remind din si Ate Vi na manatili tayong safe amidst the pandemic.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Komite, at mga panukalang magpapabuti sa basic education tinalakay

    Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang House Resolution 1176, sa nominasyon ni dating Senador Ramon Revilla Sr., na Pambansang Artista ng Bayan Pasa sa Pelikula, bilang parangal at pagkilala sa kanyang mga dakilang handog sa industriya ng pinilakang tabing.     Ang resolusyon ay inihain ni Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez. […]

  • DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.     “Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo […]

  • “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” EARNS 97% FRESH RATING ON ROTTEN TOMATOES, FINAL TRAILER RELEASED

    This is bonkers, yo!        The first reviews for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem are in, and they’re pretty gnarly… in the most awesome way possible. The film, directed by Jeff Rowe (Oscar-nominated The Mitchells vs. the Machines) and written by a team that includes Seth Rogen and Evan Goldberg, currently has a 97% Fresh […]