• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez, kinondena ng Malakanyang

MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez sa Bacolod nitong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang karahasan partikular na ang pagpatay sa mga aktibista.

Kaya nga aniya, kaagad na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Sa ngayon ay makabubuting hintayin ng publiko ang resulta nito sa halip na magturo laban sa gobyerno.

“We denounce any form of violence perpetuated against citizens, including activists. We are a nation of laws, and violence has no place in any civilized society,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Maliban kay Alvarez ay naunang pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin si Anakpawis chairman at dating peace consultant Randall Echanis sa kanyang tahanan aa Quezon City noong Agosto 10.

Giit ni Sec. Roque, hindi dapat ibintang sa gobyerno ang pagkamatay ng dalawang aktibista lalo na kung walang basehan.

Mas makabubuti aniya na hintayin ang resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng Philippine National Police sa halip na magturo kung sino ang pumatay sa dalawang aktibista.

“Blaming state forces as the people behind these murders is unfounded as investigation on the killings of Randall Echanis and Zara Alvarez is now underway,” diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • 8-anyos na batang lalaki tinangay ng agos, nahulog sa creek sa Caloocan

    ISANG batang lalaki ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig nang aksidenteng mahulog sa Pag-asa creek habang naliligo sa ulan kasama ang dalawang kaibigan, Lunes ng hapon sa Caloocan City.       Sa ulat ni P/Capt. Joniber Blasco, Acting Commander ng Police Sub-Station 13 kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, […]

  • Dahil dumadaan sa ilang emotional issues: SUNSHINE, mapaglabanan sana ang bagong sakit na nararamdaman sa pagpanaw ng ama

    NAGING black ang profile picture sa Instagram account ng actress na si Sunshine Dizon.     Nag-post din ito ng larawan kasama ang kanyang ama at caption kung gaano kasakit at nangungulila ang actress, wala pa itong ibang detalyeng inilagay.     Isang malungkot nga ang ipinost ni Sunshine sa kanyang IG kunsaan, nangungulila ito […]

  • DOTr: BBM pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel

    BINIGYAN ng go-signal ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapatuloy ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus rides hanggang katapusan ng taon.       Pinalawig pa ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang nararanasan na financial burden ng mga consumers mula sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil […]