• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpasok ng murang imported na sibuyas, inireklamo

INIREKLAMO ng progresibong party-list group na Anakpawis ang pagpasok at pagbaha ng imported na sibuyas sa pamilihan na pumapatay sa lokal na magsasaka.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Anakpawis National Chairperson Rafael “Ka Paeng” Mariano na ang importation ng nasa 35, 000 metric tons ng pulang sibuyas mula Tsina ngayong taon ay nagtulak sa magsasaka ng sibuyas sa bangkarota.

 

 

Resulta ng importation, paliwanag ng Anakpawis ay napilitan ang maraming magsasaka ng sibuya na itapon na lamang ang kanilang ani dala na rin sa mababang farm gate prices.

 

 

Ang farmgate prices ng sibuyas sa Mindoro at Nueva Ecija ay naitala sa halagang P8/kilo hanggang P15/kilo na 71% ibinagsak sa P51.89/kilo farm gate price ng local onions nito lamang Enero ng taon.

 

 

“Importation has always been a scourge to local industries because cheap imports pull down the value of our local products. Similar to the devastating impacts of importation measure to rice farmers and fisherfolks, onion farmers are at the losing end courtesy of government’s commitment to trade liberalization. The DA is accountable to our local food producers for always resorting to this dangerous liberalization measure,” dagdag ni Mariano, na dating nagsilbing kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

 

 

Dagdag pa ang kakulangan sa access ng mga local onion growers sa cold storage facilities kung kaya tumaas ang post-harvest losses ng mga bagong aning sibuyas na nasa 45.06% o 48, 891 metric tons na nagkakahalaga ng P1.6 billion, ngayon taon.

 

 

“Due to lack of post-harvest facilities, local produce of onion growers is either left wasted or being sold at a very low price that it can’t recover the ever-rising cost of production. We call on the government to immediately take concrete measures to improve the production of onions which are staple on every Filipino’s table,” pagtatapos ni Mariano. (ARA ROMERO)

Other News
  • AIKO, nag-file na ng COC sa pagka-Konsehal kaya malungkot na iiwan ang ‘Prima Donnas’; JOSHUA, palaisipan kung kakampi o kaaway ni ‘Darna’

    NAG-FILE na si Aiko Melendez ng Certificate of Candidacy last Wednesday, October 6 sa pagka-Konsehal ng District 5 ng Quezon City kasama ang kanyang lucky charm na si Vice Gov. Jay Khonghun.     Sa kanyang post, pinaliwanag niya kung bakit muling papasok sa public service after serving as the Councilor sa 2nd District ng […]

  • Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela

    HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.     Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong […]

  • P9 pa rin ang minimum na pamasahe

    MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe.       Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe […]