• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna.

Aniya, bagama’t posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand gayung hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dahil sa kakulangan sa pasilidad.

Negative 70 aniya ang kailangang temperatura nito at tanging Maynila, Cebu at Davao  lamang umano ang mayroong mga cold storage facilities kung saan maaaring iimbak ang vaccine ng Pfizer.

Aniya, ganito ang sitwasyong hinaharap ngunit kung ang pag- uusapan ay kasalukuyang senaryo, sadya aniyang wala tayong choice o alternatibo dahil Sinovac lang ang paparating simula Pebrero hanggang buwan ng Hunyo.

“Well, uulitin ko po ano: Simula Pebrero hanggang Hunyo, wala po tayong alternatibo dahil parang iisa lang po ang darating na bakuna.

 

Pagdating po ng July, eh marami na pong papasok ‘no. Pero hindi naman po lahat iyan eh puwedeng piliin ng ating mga kababayan dahil iyong Pfizer po kinakailangan ng negative 70 ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

“Ibig sabihin po, para lang  iyan sa Maynila, Cebu, Davao  na mayroong mga cold storage facilities, hindi po talaga magagamit iyan sa sa mga probinsiya dahil wala tayong mga facilities,” dagdag na pahayag nito.

At gaya aniya ng sinabi nina Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo na ang ahat ng bakuna na pumasa sa FDA ay “proven safe and proven effective.”

“So, hindi na po importante kung ano iyong brand. Pero uulitin ko po, wala na pong pilitan, kung ayaw talaga, okay lang po iyan, mawawala lang ang prayoridad kung sila po ay kabahagi ng priority population at pipila po sila sa huli,” giit ni Sec. Roque.

Samantala, ang NCR, CAR at Davao Region ay ilan lamang aniya sa mga mauunang lugar kung saan ikakasa ang pagbabakuna.

Other News
  • Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz

    NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting.     Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru […]

  • Netflix Gives A Glimpse Of Fuffy And Fream’s Unusual Relationship In ‘My Amanda’

    IN her new film on Netflix, it looks like Alessandra de Rossi of Kita Kita and Through Night and Day will break our hearts once again.     Netflix finally unveiled the official trailer of My Amanda, giving us a glimpse of the chemistry between Alessandra de Rossi’s Amanda and Piolo Pascual’s TJ, best friends who are seemingly on […]

  • ‘Un/Happy For You’ ng JoshLia, higit P100M ang kinita: GERALD, ‘di itatago dahil ipagmamalaki ‘pag ikakasal na kay JULIA

    KUNG ilang beses nang naging usap-usapan ang sinasabing pagpapakasal diumano nina Gerald Anderson at Julia Barretto.       Sey pa ni Gerald ay hindi raw naman niya itinatago at lalong hindi niya dapat niya ililihim ang paglagay sa tahimik Nila ni Julia.       Dagdag pa ng Kapamilyang aktor na kung sakali mang […]