• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpasok sa Pinas ng foreign nationals at returning OFWs, suspendido

PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos  (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.

 

Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.

 

Ang nasabing hakbang ay naglalayon na mapigil ang karagdagan pang pagtaas ng bilang ng coronavirus cases at mapigilan din ang pagpasok ng coronavirus variants mula sa ibang bansa.

 

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, exempted naman mula sa entry ban ang mga indibiduwal gaya ng :

1. Mga may hawak ng 9(c) visas

2. Medical repatriation at ang kanilang escort ay inendorso ng DFA-OUMWA o OWWA

3. Distressed Returning Overseas Filipinos na indendorso ng DFA-OUMWA

4. Emergency o humanitarian cases na aprubado ng National Task Force against COVID-19

 

Nauna nang ipinatupad ang uniform curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga at pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay sa Metro Manila.

 

Umiiral din ang granular lockdown at liquor ban sa ilang siyudad.

 

Habang target naman ng national government n mabakunahan kontra COVID-19 ang publiko sa buwan ng Abril o Mayo.

 

Ito’y ayon sa national government, maaaring tuluyang matanggal ang virus sa taong 2022.

 

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., inaasahan ng Pilipinas ang 1.4 milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac-BioNTech at siyam na raang libo mula sa Covax facility sa susunod na buwan.

 

Dagdag ni Galvez, ang 3.4 milyong  doses ng bakuna  ay sapat na para sa lahat ng health care workers sa bansa.

 

Dahil dito, maaaring sa darating na buwan ng Abril o Mayo ay magkakaroon na tinatawag na ” general public vaccination” kung saan posibleng matanggal ang virus sa susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Taiwan minaliit ang ginawang 3-day simulation target strikes ng China

    HINDI nagpahayag ng pagkatakot ang Taiwan sa ginawang tatlong araw na simulation target strikes ng China.     Ayon sa defence ministry ng Taiwan na lalo pa nilang papalakasin ang kanilang kahandaan sa pakikipagdigma.     Maging ang US ay mananatiling nakabantay sa anumang hakbang na gagawin ng China matapos ang tatlong araw na simulation […]

  • Kasong sedition, conspiracy, pinag-aaralan ng gobyerno vs VP Sara kasunod ng banta kay PBBM

    Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.       Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa […]

  • Malabon, binahagi sa Germany conference ang mga estratehiya ng LGU para mapabuti ang paghahatid ng serbisyo

    SI MALABON City Administrator Dr. Alexander Rosete na nagsilbi bilang speaker sa Executive Program in International Relations and Good Governance: Constructing World conference at Karlshochschule International University sa Karlsruhe, Germany ay ibinahagi sa mga lider ng industriya ang mga estratehiya ng Pamahalaang Lungsod kung paano mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga residente tungo […]