• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpatay sa lady broadcaster, kinondena ng NPC

KINONDENA ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang pagpatay sa isang babaeng broadcaster sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City ng sariling pinsan dahil umano sa away sa lupa.

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay si NPC President Leonel “Boying” Abasola sa mga naulilang pamilya ni Maria Vilma Rodriguez , 56, isang Radio Anchor ng Emedia Network na binaril habang nakaupo sa loob ng tindahan kasama ang kanyang Nany, kapatid at pamangkin.

 

Ayon pa kay Abasola, naghahanap sila ng hustisya para sa biktima habang nanawagan din siya sa kanyang mga kapwa mamamahayag na palaging mag-iingat.

 

“Kailangan lagi tayong maingat sa ating mga gawain, while we should not compromise our task of uipholding the freedom of the press at all times,” ayon kay Abasola.

 

Pinasalamataan din niya ang mga awtoridad sa mabilis na pagtungon at pag-aresto sa suspek na kinilalang si Jonathan Rodriguez.

 

Ayon sa ulat, una dito ay nagharap ang biktima at suspek para sa isang mediation hearing sa kanilang barangay kung saan nagbanta umano ang suspek.

 

Nakakatanggap din umano ang biktima ng pagbabanta sa kanyang buhay bago ang insidente. GENE ADSUARA

Other News
  • VP Duterte, umupo na bilang council president ng Southeast Asian education organization

    UMUPO na si Vice President and Education Secretary Sara Duterte  bilang council president ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).     Pebrero 8 nang umupo si Duterte sa kanyang posisyon kasabay ng  opening ceremony ng SEAMEO Council Conference, kung saan ang Pilipinas ang papalit sa liderato ng organisasyon. Pinalitan ng Pilipinas ang  Singapore. […]

  • ‘Herd immunity’ sa Pasko sa NCR Plus 8, posible

    Posible pa rin na maabot ang ‘herd immunity’ sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar sa bansa laban sa COVID-19 sa pagsapit ng Pasko kung matitiyak ng pamahalaan na hindi kakalat sa Pilipinas ang Delta variant na nagmula sa India.     Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA, na tiwala siya […]

  • Fertilizer at pesticides subsidy sa magsasaka, palawigin

    BILANG  tugon sa panawagan ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas sa gastos sa mga farm inputs, ipinanukala ni AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee na magtatag ng fertilizer and pesticides subsidy program.     Sa ilalim ng House Bill No. 3528 o National Fertilizer Subsidy Act, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapatupad ng National […]